^

Police Metro

Jeep tumaob: Misis, anak na kambal todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang ginang at kambal nitong anak na 3-anyos na lalaki habang lima ang nasugatan makaraang bumangga sa tagiliran ng bundok ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep hanggang tumaob ito naganap kamakalawa sa kahabaan ng highway  sa Little Baguio, San Fernando, Bukidnon.

Ang nasawing mag-iina ay kinilalang sina Maritess Geolago, 26-anyos at ang kambal nitong  anak na sina JB at JC Montessa.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang ala-1:35 ng hapon ay sakay ang mga biktima ng pampasaherong jeepney (MDS 507) na minamaneho ni Danie Coquilla, 29 at binabagtas ang lugar na kung saan pagdating sa pakurbadang daan ay nawalan ito ng preno at sumalpok sa tagiliran ng bundok sa tabi ng highway hanggang sa  tuluyang tumaob na ikinasawi ng mag-iina habang ang limang nasugatan ay dinala sa ospital.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng San Fernando Municipal Police Station (MPS) ang driver ng jeepney na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with