^

PM Sports

Walang kawala kay Morales

Russell Cadayona - Pang-masa

ILOILO CITY, Philippines – Sa huling 50 metro ng karera ay iniabot na kay Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang checkered flag na simbolo ng kanyang panalo.

“Noong inabot ko ‘yung (checkered) flag, parang mixed emotions ang naramdaman ko,” sabi ni Morales sa kanyang pag-angkin kahapon sa Stage 14 ng 2017 LBC Ronda Pilipinas. “Masayang-masaya ako kasi ako ang nanalo and at the same time parang bigla kong naram-daman ‘yung lahat ng pagod sa kabuuan ng karera.”

Nagsumite ang 31- anyos na si Morales ng tiyempong isang oras, limang minuto at walong segundo para dominahin ang 50-kilometer Stage 14 criterium sa pagtatapos ng 2017 LBC Ronda Pilipinas dito sa Iloilo Business Park.

Kasabay nito ay ang pag-angkin ni Morales sa ikalawang sunod na korona ng LBC Ronda Pilipinas na kanyang pinagharian noong nakaraang taon.

“Iyong pinaghirapan namin, nagbunga at hindi nasayang ‘yung suporta ng sponsor namin,” wika ng tubong Calumpang, Marikina na nagtala ng kabuuang 44:55:35 sa overall individual classification.

Si Morales ang ikalawang rider na nagkampeon ng dalawang beses sa LBC Ronda Pilipinas matapos si Santy Barnachea noong 2011 at 2015.

Tinalo ni Morales ang kapwa Navyman niyang si Rudy Roque (45:09:20), Cris Joven (45:12:16) ng Kinetix Lab-Army, Bryant Se-pnio (45:23:37) ng Go For Gold, Leonel Dimaano (45:23:51) ng RC Cola-NCR, Ronald Lomotos (45:24:41), Daniel Ven Carino (45:27:35) at Lloyd Lu-cien Reynante (45:28:33) ng Navy, Reynaldo Navarro (45:31:11) at Ronnilan Quita (45:32:25) ng Army.

Ibinulsa ni Morales ang premyong P1 mil-yon sa 14-stage race na inihahandog ng presentor na LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad at Standard Insurance.

Ang Stage 14 ang ikaanim na lap victory ni Morales, naghari sa Stage Two-criterium sa Vigan, Ilocos Sur, ang Angeles-Subic Stage Three, ang Pili-Daet Stage Seven, ang Stage Nine criterium sa Sta. Rosa, Laguna at ang Stage 12-Individual Time Trial sa Guimaras.

Dinomina rin ng mga Navymen ang overall best young rider at ang overall team classification.

Nagtala ang 17-an-yos na si Carino ng Ma-ngaldan, Pangasinan ng 45:27:35 para hirangin bilang Best Young Rider, habang kumolekta ang Navy ng 176:46:09 para kunin ang team overall title kasunod ang Army (177:36:36) at Go For Gold (177:46:07).

“Maganda lang ‘yung naging game plan namin sa kabuuan ng karera,” sabi ng 38-anyos na si Reynante na pumadyak sa huling pagkakataon kagaya ni Joel Calderon at aaktong head coach ng Navymen sa susunod na taon.

vuukle comment

JAN PAUL MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with