^

Entertainment

‘My Baby Book’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Hindi ako ganap na nakasisiguro

Kung sa sulok na ito na ay naikwento

Ang tungkol sa naglaho na na BABY BOOK ko,

Malaki papel n’ya kung bakit ako’y AKO!

 

Ipagpaumanhin n’yo kung may yabang dating,

Pinag-uusapan kasi rito’y… NARATING!

AKO… SA NGAYON… ang ibig ko bang sabihin,

LAHAT tungkol sa akin BABY BOOK sisihin!

 

Mabuti na lang at ‘di ako mahiyain,

Makapal mukha ko pagpalagay na natin!

Nang sa radyo’y sumubok nang ‘di akalain

Dahil pangalan ko may nagbigay palihim!

 

At nung “JOEY DE LEON” na nga ay tawagin,

Hindi ko napansin at wala lang sa akin!

Naroon lamang ako bilang panauhin,

Ano bang malay ko ako ay bibiruin?!

 

At nang pangalan ko na ay ulit-ulitin,

Naglingunan ang marami upang hanapin,

Ako’y nasa likod… wala nang lilingunin,

Napansin kong nakatingin lahat sa akin!

 

At sa wakas pangyayari’y nakuha ko rin!

Tumatawang nagbiro hayu’t nasa dilim!

Habang nagmumurang pabulong na madiin,

Lumakad na ako’t entablado’y inangkin!

 

Audition sa radyo sa ABS-CBN

Ang nangyayari at ang napasukan namin!

Sinamahan ko lang ‘yung nagbiro sa akin

Na magdala ng damit sa “Stop, Look and Listen!”

 

Hindi Traffic Report ang naturang programa,

Ito ba ‘yung Eat, Bulaga! noon kumbaga!

Isa pa nga sa hosts ay si Ariel Ureta,

Ngayon ay si Jose o Ariel Manalo na!

 

Ang mapagbiro kong barkada ay si Freddie,

Host ng noontime show modista nanay n’ya kasi,

Ang tinutukoy ko’y si Carina Afable,

At si Ryan Agoncillo ‘yan kanyang auntie!

 

Dahil hindi pa tapos kanilang programa,

Kaya kami ni Freddie umistambay muna,

At istudyong may audition aming nakita,

Maraming colegiala at naka-kurbata!

 

Ops teka, balikan muna natin istorya —

Dahil napanood ko na ilang nauna,

Medyo alam ko na na puro lamang basa!

Iba-iba nga lamang sa bawat pahina!

 

Tandang-tanda ko pa Meralco Plug pa una,

Pag ayos naman modulation mo oks ka pa!

Op kors ‘yung mga P and F FLEASE be CAREPUL ka!

At pag tumunog PROMDI… “Thank you! Next please!” ka na!

 

Kapag nalusutan mo na mga pahina,

Sa huling pagsubok dun ka masusorpresa

Sa pagagawa sa ‘yo ni Caesar Mortega,

Ni Raffy Mejia o Mary Jane Madamba!

 

Eto na pala ‘yung bahaging… AD LIB-an na!

Kung ako’y may kaba ‘di ko na maalala,

Then, “MR. DE LEON, IN THREE MINUTES…” pause muna,

“PLEASE TELL US MORE ABOUT YOURSELF!”Anak ng p_ _ _!

 

At dito na nga ako biglang rumatsada!

Laman ng buong Baby Book ko tinirada!

My full name, exact time of birth, Mama and Papa!

Name of hospital pati attending nurses pa!

 

Pagdating baptism lahat ng gifts sa akin —

Rattle and twenty pesos from Ninang Aceling!

‘Di ko tinantanan! First haircut, first everything!

Para ‘kong may tililing! Then… laughing and clapping!

 

At humirit pa tinamaan ng magaling,

“Tell you more about myself sabi n’yo sa akin!”

Lahat smiling kahit hindi pa kumakain,

Ako busog sa, “MR. DE LEON… PLEASE REMAIN!”

 

 

vuukle comment

BABY BOOK

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with