^

Probinsiya

Tigil-pasada sa Bicol, namayagpag

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Tigil-pasada sa Bicol, namayagpag
Libu-libong pasahero ng jeepney sa kahabaan ng highway sa Legazpi City at sa bayan ng Daraga sa Albay ang naglakad na lamang dahil sa tigil-pasada. Dati’ nagsisikip sa trapik ang nasabing highway pero nakikitang maluwag kung saan karamihan sa mga bumiyahe ay traysikel at habal-habal.
Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Tagumpay ang sigaw ng Concerned Operators and Drivers for Reform sa Bicol makaraang maparalisa ng kanilang grupo ang biyahe ng mga pampasaherong jeepney sa Albay sa kanilang pakikilahok sa nationwide tigil-pasada kahapon.

Sa pahayag ni Ramon Rescovilla, presidente ng CONDOR-Bicol, umaga pa lang ay umabot na sa 100 percent ang nakilahok sa tigil-pasada sa Albay kung saan tinatayang aabot sa 60, 000 jeepney ang hindi pumasada sa maghapon.

Tinataya aabot din naman sa 80 porsyento sa kabuuan ang naparalisa sa transportasyon ng jeepney sa Kabikulan habang 80 porsyento naman sa bus, 70 sa UV Express at 75 porsyento sa traysikel.

Dahil sa tigil-pasada, ilang PNP trak naman mula sa Camp Simeon Ola kasama ang Army trak ng 9th Infantry Division at mga sasakyan ng LTFRB ang nagserbisyo ng libreng sakay sa mga stranded na pasahero.

 

vuukle comment

TIGIL-PASADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with