^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sampolan, mga nag-strike na jeepney

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sampolan, mga nag-strike na jeepney

Mas malawak ang ginawang tigil-pasada ng mga samahan ng dyipni kahapon. Mas maraming jeepney operators ang nakiisa kaya maraming na-stranded na pasahero. Mas maraming sumama kahapon kaysa sa unang strike na ginawa noong nakaraang buwan. Sabi pa ng mga pinuno ng jeepney organization, magsasagawa pa sila ng mga susunod pang tigil pasada. Hindi raw sila titigil hangga’t hindi binabago ng pamahalaan ang posisyon na i-phase out ang mga lumang dyipni. Hindi raw pag-phase out ang dapat kundi rehabilitasyon. Pina­patay ng pamahalaan ang mga maliliit na drayber ng dyipni na tanging sa pagmamaneho kumukuha ng ibinibili ng pagkain. Nasaan naman daw ang konsensiya na aalisin sa kalsada ang pinagkukunan ng ikabu­buhay ng mga drayber.

Karapatan ng mga samahan ng jeepney operators na magsagawa ng tigil-pasada pero ang hindi maganda na kanilang ginawa ay ang pangha-harassed sa ibang drayber kahapon. May mga report na ilang drayber sa Bulacan na biyaheng Monu­mento ang pinagbabantaan kapag bumiyahe. Mayroon pang pinababa ang mga pasahero. Ang ma­tinding ginawa ng mga nag-strike ay nang ikalat sa kalsada ang mga matutulis na bagay para ma-flat ang gulong.

Hindi na tama ang ginawa ng mga nag-strike sapagkat namimilit na sila. Ginagawang puwersahan ang pagsali sa strike. Hindi dapat gawin sapagkat naghahanapbuhay ang iba pang drayber. Mayroon silang mga anak na nag-aaral. Saan sila kukuha ng ibibili ng pagkain?

Ang pagkilos ng Land Transportation, Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) sa ginawang jeepney strike ay hindi dapat palampasin. Tanggalan ng prankisa ang mga sumama sa strike. Hinahamon nila ang pamahalaan kaya dapat silang bigyan nang matinding leksiyon. Huwag nang mag-urung-sulong ang LTFRB sa pagkansela sa prankisa ng mga “sutil” na jeepney driver. Mas mabuti ngang mawala na sila sa kalsada para mawala na ang labis na air pollution. Panganib din sila sa buhay ng pedestrians.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with