^

Metro

AWOL na parak itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay  ang isang AWOL (absence without official leave) na parak na dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa labas ng kaniyang bahay kasama ang kaniyang misis sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si PO1 Joselito Sumacaton, 37 residente ng  F. Varona St., Tondo, Maynila.

Tumakas naman ang mga suspek na sakay ng isang itim na scooter, armado ng mga kalibre .45 baril, kapwa nakasuot ng helmet, itim na jacket.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-Station 1 chief, P/Supt. Robert Domingo, naganap ang pamamaril dakong alas-6:10 ng hapon, sa harap ng tahanan ng biktima sa Varona St.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang magkatabi sa labas ng bahay ang biktima at maybahay na si Rose Marie Sumacaton nang umalingawngaw ang magkasunod na putok ng baril kung saan bigla na lamang bumagsak sa semento ang  biktima.

Nakita pa ni Rose ang riding in tandem na papatakas sa direksiyon ng Dandan St., sa Tondo.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktima subalit hindi nagtagal ay ideklarang patay. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na ang point of entry ay sa likod ng ulo at tumagos sa kanang bahagi ng mukha

Patuloy pang iniimbestigahan ni PO3 Jeffrey Laus  ng MPD-Homicide Section ang kaso para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na suspek at matukoy ang motibo sa pamamaslang.

Nabatid na noong nakaraang taon pa nag-AWOL ang biktima na sinasabing ipatatapon sa Mindanao subalit pinili na huwag nang mag-duty.

 

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with