^

Punto Mo

‘Strike pala ha! Prangkisa, ikansela!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MUKHA yatang sinarapan ang mga putok sa buhong  spoiled brat na mga jeepney driver at operator. 

Paglilinaw. Hindi ako anti-poor. 

Dahil hindi sila pabor sa plano ng gobyerno na i-phase out na ang mga bulok, pupugak-pugak at luma ng mga dyip, nagmaktol sa kalsada. Nanawagan ng malawakang tigil-pasada. 

Sila na ang mga salot dahil sa idinudulot nilang polusyon, sila pa ang malalakas ang loob na umatungal. 

Tanim nyo ‘to sa kukute nyo. Ang prangkisa ay isang prebilehiyo hindi karapatan. Ipinagkaloob lang sa inyo ng estado. Pero may kaakibat na responsibilidad yan. Magbigay ng maayos at tamang serbisyo sa publiko. 

Kayo naman! Matagal na nga kayong namihasa sa panahon ng dilaw. Tsk-tsk! Ngayon, bago na ang administrasyon, sumunod na kayo! 

Ang totoo niyan pinagtitiyagaan lang naman kayo ng mga mananakay. Dahil kung may choice din lang, siguradong hindi sila sasakay sa inyo.  

Siguro next time, LTFRB sa susunod na mag-protesta ang mga pendeho at putok sa buhong mga jeepney at driver operator, ikansela na agad ang prangkisa. 

Kung yan talaga ang gusto nila, sige tuloy nyo lang. Strike pala ha! Sino ba ang magugutom? 

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account.

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with