^

PSN Showbiz

Bansot na actor napakataas ng tingin sa sarili!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang naturalesa ay hindi naitatago. Pansamantala mang magpakita ng magandang ugali ang isang tao, sa katagalan ay ang tunay pa rin niyang ugali ang lulutang, kumbaga sa alahas ay tubog lang ‘yun sa ginto. Kumukupas.

Tulad ng isang male personality na may kaangasan. Akala niya ay regalo siya ng langit sa lupa kaya ganu’n na lang siyang makaasta. Parang sa kanya na ang mundo.

Kuwento ng isang source, “Mayabang talaga siya. Kung makasagot ‘yun sa tanong ng mga reporters, pabalang-balang. Kulang siya sa respeto. Napakaangas!

“Dati na siyang ganu’n kahit nu’ng baguhan pa lang siya. Narerendahan lang siya nu’ng mga nag-aalaga sa career niya, pero sa mga unguarded moments, talagang mayabang ang lalaking ‘yun!” simulang kuwento ng aming impormante.

Dating artista ng isang network ang male personality. Pagkatapos nang ilang taon ay lumipat siya sa kalabang network ng una niyang istasyon.

“Pero may paningit muna ‘yun. Pumirma muna siya ng contract sa isa pang TV station na nagbigay ng magandang break sa kanya. Pampered siya du’n! Pero parang hindi niya ‘yun binigyan ng importance, mayabang nga, e!

“After nu’n, lumipat na siya sa istasyong sabi niya, e, napakalaki raw ng nagawa sa career niya. Malaki? E, hanggang ngayon naman, pa-support-support lang siya sa mga palabas ng network, a?

“May pinagbidahan na ba siyang serye? Waley! Hanggang second lead lang siya dahil hindi naman kasi siya kagalingang umarte! Hanggang porma lang naman siya!” inis na kuwento uli ng aming source.

Kung sabagay, kahit naman ang mga kaibigan ng ex niyang young actress ay nagsasabing isang malaking kill joy ang male personality kapag nakakasama nilang mag-bar.

“Para bang kailangan siyang i-please palagi ng lahat ng tao, ganu’n ang pakiramdam niya. Napakataas ng tingin niya sa sarili niya, e, bansot naman siya? Magpatangkad muna siya, ‘no!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bong mas maraming kakampi kesa kay Sen. Leila

Ramdam ang pakikiisa ng mas nakararami nating kababayan sa ipinahayag ni Senador Bong Revilla na ngayon ay natitikman na ni Senadora Leila de Lima ang masaklap na karanasan ng kanyang pamilya sa agarang pagpapakulong sa kanila ni Senador Jinggoy Estrada.

Tama o mali, kalaban man o kaalyado, ay boses ng bayan na maituturing ang social media. At sa bilangan ng kampi at hindi ay liyamado si Senador Bong sa kanyang pahayag.

Mahigit na dalawang taon na ang nakararaan ay humahalakhak si Senadora Leila de Lima at ang kanyang mga kasamahan sa agarang pagpapakulong sa tatlong senador. Nagtagumpay kasi sila.

Pero gumulong ang panahon, nagbabago ang pagkakasalansan ng mga bituin, hindi natin hawak ang bukas. Ngayon, ang dating DOJ secretary naman na nagpabilis sa pagpapakulong sa mga senador ang inuulaol ng problemang mas mabigat pa nga, dahil sangkot ang droga sa kanyang mga kaso.

‘Yun ang gustong ipahiwatig ni Senador Bong na pinangalawahan pa ng kanyang misis na si Mayor Lani Mercado. Kung ano ang damdamin nila nu’n ang nararanasan din ngayon ni Senadora Leila de Lima, napakasakit pala, sakit na bumabaon sa kalamnan.

Mababasa sa social media, “Karma lang ‘yan! Ano ba kasi ang ginawa ng mga Dilawan na ‘yan nu’ng nakikipaghalikan pa sila sa kanilang posisyon?

“Nasa airport na si PGMA, naka-wheelchair, pinayagan na ng Supreme Court na makapagpagamot sa ibang bansa, pero bilang DOJ secretary, e, hinarang niya!

“Sino ba ang nasa likod ng lungkot na naramdaman ng pamilya ni CJ Corona? Isa-isahin lang ngayon ni Senator de Lima ang mga ‘yun at baka makatulong para gumaan ang dala-dala niya.

“Ganu’n lang ‘yun! Hello, Carmi Martin (read: karma)! Hello, Boy George, kantahin mo nga ang Karma Chameleon!” isa lang sa mga nabasa naming komento.

Kung may tamang panahon ay meron ding weder-weder lang. Ganu’n lang talaga. Ang mga humahalakhak nu’n dahil sa kapangyarihan ay puwede ring pumailalim sa gulong ng buhay.

vuukle comment

TV STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with