^

PSN Showbiz

Alden at Maine magkaibang tao sa destined…

Pilipino Star Ngayon

Ngayong gabi na ang simula ng Destined to be Yours nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza. 

Iikot ang kuwento ng Destined To Be Yours kina Benjie Rosales (Alden) at Sinag Obispo (Maine), dalawang magkaibang tao mula sa dalawang magkaibang mundo, at kung paano sila pagtatagpuin ng tadhana.

Masayang ibinahagi ni Alden ang excitement niya sa highly-anticipated na soap. Aniya, “Sobrang happy ako with the team and with the actors na nakakasama po namin dahil ramdam ko po ‘yung passion nila to make the soap work and to make the script very effective sa audience and sa actors as well.”

Nais naman ni Maine na matuwa at maging proud ang mga sumusuporta sa kanila. “Ginawa namin itong soap na ito para sa aming fans. Ang talagang importante sa amin ni Alden ay magustuhan nila. Sana matuwa sila at maging proud sila sa akin, sa amin.”

Itinatampok din sina Ms. Boots Anson Roa, Ms. Lotlot De Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, Sheena Halili, Dominic Roco, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina with Janice de Belen sa direksyon ni Irene Villamor pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.   

Cine republica ng malolos dinumog!

Sinuportahan nina Robin Padilla at Vina Morales si Malolos, Bulacan Mayor Christian Natividad sa programa nitong ibalik ang sigla ng turismo sa probinsya at i-educate ang mga kabataan sa kahalagahan ng history ng ating pagiging republika.

Present ang dating magdyowa sa kick-off ng selebrasyon ng Fiesta Republica na ginanap mula January 15-23.

Ang roots pala ni Binoe ay sa Malolos although malapit siya sa mga taga-Mindanao bilang isang Muslim. Si Vina naman ang nag-represent ng mga taga-Visayas at si Mayor Christian, Luzon.

Ang nasabing pagdiriwang ay tumagal ng isang linggo at kabilang dito ang pagdaraos ng Cine Republica, isang short film festival na may walong entries mula sa amateur o student filmmakers ng Malolos.

This year, kwento ni Mayor Christian nang imbitahan ang ilang entertainment editors sa Malolos, mahigit isang daang entries ang isinabmit sa Cine Republica.

Bukod dito, nagkaroon din ng Second Malolos Bike Festival para sa bike enthusiasts mula sa iba’t ibang parte ng bansa; Kalutong Malolos, isang culinary festival na nagpu-promote ng local cuisine at culinary showdown; Timpalak Awit-Makabayan, isang choral competition na nagri-revive sa nationalist songs natin; at ang Ginoo at Binibining Republica Filipina 2017 pageant na ang mga kandidata’t kandidato ay galing sa  different provinces at cities sa bansa.

At ang pinaka-highlight ng Fiesta Republica  celebration ay ang Dulansangan, isang national street dance-drama competition kung saan nag-compete ang iba’t ibang barangay sa Malolos sa local competition habang ang mga dayo naman ay lumahok sa national competition.

May mga delegasyon mula sa Maynila, Malabon, Cavite, Tarlac at Mt. Province.

Tuwang-tuwa, siyempre, si Mayor Christian sa tagumpay ng aktibidad ngayong taon.

At 39 years old, ang dating bokal na ngayo’y nasa ikatlong termino na bilang alkalde ng Malolos, ay aktibo sa pagsulong ng turismo sa kanyang bayan at pagpapaunlad nito habang gumagawa rin ng mga hakbang para ma-preserve ang historical sites gaya ng pinakasikat nilang atraksyon na Barasoain Church.  Ito ang malamang na rason na hanggang ngayon, single pa siya.

vuukle comment

DESTINED TO BE YOURS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with