^

Probinsiya

Tigil-pasada sa Bicol, ngayon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Susubukang paralisahin ng iba’t ibang transport sectors sa Bicol Region ang serbisyo sa transportasyon sa kanilang pakikilahok ngayong araw sa nationwide tigil-pasada. Sa payahag ni Ramon Escovilla, presidente ng Concerned Drivers and Operators for Reform (CONDOR), libu- libong pampasaherong jeepney at UV Express ang makikiisa sa tigil-pasada na nagsimula kahapon ng madaling araw. Bago pa magkilos-protesta ngayon ay ilang araw silang nagplano kung saan nagkaroon ng koordinasyon ang lahat ng transport sector sa Kabikulan. Tinututulan ng grupo ang ilang panggigipit na programa ng gobyerno sa kanilang grupo lalo na ang balak na tanggalin ang mga sasakyang tumatakbo na my 15 taong gulang pataas. Dahil sa ikinasang transport strike, ilang paaralan sa Kabikulan ang nagpalabas na rin ng suspension of classes kung saan isa na ang Bicol University sa Legazpi City, Albay ang agad nagpalabas nang pagsususpinde nang pasok ngayong araw.

vuukle comment

TRANSPORT SECTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with