^

Police Metro

Tanod tinodas sa harap ng mag-ina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 43-anyos na barangay tanod nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang mag-ina habang nanonood ng telebis­yon sa kanilang bahay sa Barangay Bagong Ilog, sa Pasig City kahapon ng hapon.

Ang nasawi ay kinila­lang si Ignacio Intalan, alyas ‘Onyok,’ ng Intalan Compound, sa A. Flores Street ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng misis ng biktima, dakong alas-2:00 ng hapon ay katabi nila ng kanyang anak ang biktima sa upuan habang nanonood ng telebis­yon  nang bigla na lang nagpaputok ng baril ang mga hindi pa kilalang suspek sa labas ng kanilang bakuran.

Pagkatapos ay pumasok ang mga ito sa loob ng kanilang compound at nasaksihan ng misis ang pagmamakaawa ng kanyang mister na huwag siyang patayin, ngunit hindi ito pinakinggan at iti­nuloy ang pagbaril.

Bigo ang ginang na makilala ang suspek na nakasuot umano ng bonnet at hood.

vuukle comment

BARANGAY TANOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with