^

Pang Movies

Paulo at Maja hindi nakasabay kina Enrique at Liza!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi lamang si Paulo Avelino kundi maging si Maja Salvador ay nananawagan na ngayon sa publiko na sana ay panoorin naman ang kanilang pelikula na I’m Drunk, I Love You.

Halos wala na kasing natirang sinehan sa kanila matapos ang isang linggo, sampu na lang daw. Nagsimula sila sa 60 theaters. Isa lang ang ibig sabihin sa pagbabawas ng sine, hindi kumita ang pelikula.

Saan sila nagkamali? Hindi ba sinasabing marami na rin namang fans sina Paulo at Maja?

Sa palagay namin, hindi ‘yan nakakuha ng suporta sa mga tao dahil alam nilang iyan ay isang pelikulang indie. Hindi pa rin puwedeng makipagsabayan ang isang pelikulang indie, lalo na’t kapareho ng genre ng isang mainstream movie kagaya noong kina Enrique Gil at Liza Soberano na My Ex and Whys. Kasi kung kami man, bakit kami magbabayad ng mahigit na dalawandaan sa isang low budget movie kung may mapapanood naman kaming masasabing hindi lamang “pinaghirapan” kung di “pinagkagastahan” pa?

Siguro medyo nasulasok din ang mga tao sa rami ng indie films noong nakaraang film festival. Kung sa panahon nga ng festival hindi sila pinanood, ngayon pa kayang may pagpipilian pa pati mga pelikulang Ingles?

Iyang mga pelikulang tinipid, ang mga indie, hindi nila dapat aminin sa publiko na indie ang kanilang pelikula para makuha nila ang suporta ng masa. After all hindi pa naman nila nabubura sa isipan ng masa na ang mga pelikulang pinagkagastahan nang husto ay nagagawang maganda.

Iyon ang nakasanayan eh, iyong pelikulang ginagastusan ng kung ilang milyong piso.

Barbie sumali na sa pagpapaseksi 

Ang sinasabi nila, puro raw iyong mga lalaking star at mga baguhan ang nagpapa-sexy doon sa serye nina Barbie Forteza. Ang nanonood daw tuloy ay iyong gustong makakita ng sexy bodies ng mga lalaki.

Pero marami ang nabigla nang isang araw, lumabas si Barbie na naka-two piece bikini.

Maski kami, hindi namin inaasahan iyon. Kasi nga kahit na siguro nasa tamang edad na rin naman siya, dahil nagsimula nga siya bilang child star, para bang sa tingin ng marami ay bata pa rin siya.

Pero iyon na nga, naka-bikini na siya at hindi maikakailang sexy si Barbie. Noon lang namin na-realize na dalaga na nga pala siya.

Palagay namin positibo naman ang dating noon sa fans niya. Kasi pagkatapos ng ilang araw lumabas na sa survey na tumaas ang ratings ng episode na iyon. Hindi naman lumabas na mahalay ang nasabing episode, dahil ang eksena ay nasa beach sila. Alangan namang nagsu-swimming eh nakasuot ng kung ano.

Ang sinasabi lang namang mahalay ay iyong bukod sa nagpapa-sexy, ipinakikita ngang may mahalay na ginagawa.

Iyong kaso naman ni Barbie, malinis pa rin ang eksena kahit na nagsuot siya ng bikini. Siguro rin naman, dahil iyon sa reputation ni Barbie bilang isang aktres. Hindi basta-basta iyan dahil nanalo na nga ng award iyan sa isang international film festival. Kahit na dito kinikilala na si Barbie ng mga kritiko. Siguro iba ang naging dating niyan kung ang gumawa ay isang trying hard na starlet.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with