^

Pang Movies

Luis at Jessy seryosohan,Ate Vi lumilinaw naang request na apo

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Bow kami talaga sa pagiging generous nitong si Luis Manzano.

Sa kanyang daily game show na A Minute to Win It. Noong Lunes, ang Last Duo Standing, na parehong hindi taga-showbiz, ang nakatikim, kumbaga, ng pagiging generous ni Luis.

Parehong magsasaka ang dalawang nanay na pareho ring may sakit ang mga asawa. Minsan daw ay suma-sideline sila bilang labandera para pandagdag sa panggastos.

Nang itanong ni Luis kung ano ang kani-kanilang hiling, ang sagot ng isa “ang maibili ko ng hearing aid ang pipi (mute and deaf) kong anak.”

Sabi naman ng isang ale, na dalangin niya na kap­wa silang magka-perang mag-hipag, nang sa ganun matupad ang pangarap nilang magsosyo sa isang sari-sari store.

This would not have posed a problem to both ladies, kung napanalunan nila ang P1-M. Kaso, hanggang finalists lang sila. Kaya, P20,000 lang ang kanilang maiuuwi.

Dito na humirit si Luis; “Huwag kayong mag-alala. Sagot ko na ang hearing aid at ang puhunan n’yo sa tindahan,”

Of Luis, it looks like it’s the real thing na between him and Jessy Mendiola. They were each other’s special date last Valentine’s day.

Well, mukhang finally ay masasagot na rin ni Luis ang madalas itanong sa kanya ng kanyang Mommy, Star for All Season at Lipa Representative Vilma Santos-Recto, kung kelan niya ito bibigyan ng apo.

Come April, Luis turns another year older. He’s now in his 30’s, we heard.

Loisa nahanapan ng bagong ka-loveteam

Isang bagong love team na dapat abangan ay sina Loisa Andalio at Mark Oblea. Pareho silang nasa cast ng ongoing series na My Dear Heart aired weekdays, co-starring them with Bea Alonzo, Isa Calzado, Ian Veneracion at ang bagong child star na si Nayomi Ramos.

Napapanood din sila sa Wansapanataym My Hair Lady episode tuwing Sunday.

May ‘lamang’ actually si Loisa kay Mark dahil napapanood siya sa ASAP Live.

Parehong produkto sina Loisa at Mark ng reality show. Si Loisa sa Pinoy Big Brother (PBB), nakasabay niya sina Bailey May, Ylona Garcia, Barbie Imperial, Mariz Racal at Joshua Garcia.

Since sobra silang close ni Joshua sa bahay ni Kuya, hinulaan na kapag nakapasok sila sa showbiz ay sila ang magiging magka-loveteam.

But as we all know now, kasalukuyang bini-build up si Joshua bilang ka-love team ni Julia Barreto.

Si Mark naman ay contestant sa Pinoy Boyband Superstar. Pero hindi siya nakapasok sa top five, para maging member ng ngayo’y kilala nang grupong Pinoy Boyband PH.

But no matter, wala raw complains si Mark, considering nga naman what’s happening to his showbiz career now.

“Ang kailangan ko na lang ay magpursige pang lalo para matupad ko ang aking pangarap, di lang para sa aking sarili, pero para sa aking pamilya,” sabi ni Mark.

Tulad ni Mark, hangad din ni Loisa na matulu­ngan ang kanyang pamilya.

Liza at Enrique balak pa rin mag-aral sa bakasyon

Busy man pareho sina Liza Soberano at Enrique Gil, may oras pa rin sila para magpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Pareho silang enrolled sa Southville College sa Parañaque, pareho silang kumukuha ng kurso sa business and marketing.

Since malapit na ang closing ng school, baka raw kumuha sila ng summer classes para raw mapadali ang kanilang pag-graduate.

Mangyayari ito kung ang plano na magsimula na sila mag-taping para sa kanilang upcoming series, na posibleng sa ibang bansa ang location, ay hindi pa magsimula.

Samantala, nasa pang-eight day of exhibition na ang kanilang pelikulang My Ex & Whys, which is a confirmed blockbuster.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with