^

Pang Movies

Mocha binibira sa pag-iingay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sentro na naman ng birada ang MTRCB Board Member na si Mocha Uson. May kaugnayan ito sa inilabas niyang blog kaugnay ng dalawang shows ng ABS-CBN na tinawag niyang “basura” ang isang programa.

Nang ma-appoint bilang Board Member, ang pangakong tututukan ang soft porn sa TV ang kanyang gagawin. At sinimulan nga niya ang pangako sa dalawang TV shows.

‘Yun nga lang, sa blog at hindi sa meeting ng MTRCB board inilabas ni Mocha ang kanyang reklamo.

Ayon sa isang interview kay MTRCB Chairwoman na si Rachel Arenas, wala si Mocha nang magsagawa ng board meeting.

Siyempre, inasahang ilalabas ni Uson ang reklamo niya upang mapag-usapan sa Board. Pero mas ninais ilabas ng BM sa kanyang blog ang reklamo niya with matching walang makakapigil sa kanyang maglabas ng saloobin niya sa blog site niya.

Naku, if you can’t stand the heat, get out of the kitchen!

Cong. Alfred ‘di sinipot ng mga sangkot sa trahedya sa Tanay

Madaling-araw ay gising na si Congressman Alfred Vargas at ipinakita pa niya sa kanyang Instagram account ang paglalambing sa kanya ng isang anak na parang ayaw pa siyang pabangunin.

Eh, may hearing na gagawin si Cong. Alfred kaugnay ng trahedyang naganap kung saan may namatay at nasaktan na estud­yante na patungong field trip sa Tanay, kaya maaga siyang umalis ng bahay.

‘Yun nga lang, hindi sinipot ang kongresista ng parties na sangkot sa trahedya. Tanging ang mga naulila ng biktima ang siyang dumating sa hearing. Kaya naman nakiramay na rin ang Congressman sa naiwan ng naulila.

Sa interview ng GMA News TV kay Cong. Alfred, dismayado siya sa pagkansela ng hearing. Nangako naman siyang pag-aaralan mabuti ang batas upang maamendahan ang probisyong hindi kailangan.

Sec. Andanar hindi natitinag sa mga batikos

Nagkainitan pero sa bandang huli ay nagkaayos din si Communications Secretary Martin Andanar at isang Senate reporter na si Marlon Ramos. “Trabaho lang,” ang naging rason nila sa isa’t isa sa presscon ng pinatawag ng Secretary.

Nag-ugat ang hidwaan ni Andanar sa mamamahayag na kumukober sa Senado kaugnay ng isang witness na nilabas ni Senator Antonio Trillanes na bumaligatad laban kay President Digong Duterte tungkol sa Davao Death Squad.

Inilabas ni Sec. Martin ang impormasyong nakuha niya na umano ay merong 1,000 USD na ipamimigay sa Senate press para i-cover ang conference. Sa puntong ito umalma ang press at humingi ng public apology kay Sec. Andanar.

Dumipensa si Martin sa pambubulabog ng Senate press. Hanggang sa kahapon, nagkainitan pero nagkaayos din ang magkabilang kampo.

Sa totoo lang, kahit ang daming bumabatikos kay Sec. Andanar, never naman siyang naandap at patuloy pa rin siya sa pagiging Communications Secretary, huh!

 

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with