^

Police Metro

53 ‘pasaway’ cops pa-Basilan na

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon pa-Basilan ang may 53 tauhan ng pulisya na sinasabing isasabak sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Kasabay naman nito, pumalag naman ang mahigit sa 200 rouge cops  ng National Capital Region Police Office (NCRPO ) sa kanilang deployment  kung kaya hindi sila sumipot sa Villamor Air Base  sa Pasay City. Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos, ang 53 rouge cops ay inilipad  ng C130 plane ng Philippine Air Force (PAF) dakong alas-6:30 ng umaga kahapon patungong Zamboanga City na duma­ting dito ganap na alas -9 ng umaga.  Samantalang mula Zamboanga City ay isinakay naman ang mga ito sa Multi-Purpose Assault Craft (MPAC) ng Philippine Navy patu­ngong Basilan. Sinabi ni Carlos na ang mga hindi sumipot  ay sasampahan ng karagdagang kasong administratibo.

“ We will file additional charges against them-insubordination and defiance to a lawful order from PNP Chief and Absence Without Official Leave (AWOL). It only shows what kind of, estado ng mga ito, hindi ang leadership ang may problema. Kaya nga natin tinitingnan kung sino ang mga ito, kailangan natin alisin sa serbisyo, naglilinis tayo ng hanay, ng organisasyon. Yung mga ugali na nakikita natin, that only shows, that they are digging their own grave or exit from the service”, ayon kay Carlos.

Samantalang una na ring sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na ide-deploy sa mga checkpoint at tutulong sa pangangasiwa ng seguridad sa mga kabayanan at urban centers sa Basilan ang mga pasaway na pulis.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with