^

Punto Mo

10 bagay na tinatanong tungkol sa Pope

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1—Bakit pulang sapatos ang isinusuot nila?

Ayon sa Vatican, sinisimbolo ng kulay crimson (deep red) ang dugo o buhay na inialay ng Christian martyrs. Noong araw, ang red shoes ay may nakadikit na malaking gold cross na hinahalikan ng mga parishioners. Ipinatigil ni Pope Paul XVI ang tradisyunal na paghalik sa red shoes noong dekada 60. Pero nagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng red shoes ng Pope. Si Pope John Paul II ang umayaw sa red shoes at sa halip ay brown shoes ang kanyang isinusuot. Ganoon din si Pope Francis na mas gustong magsapatos ng kulay itim. Ang sapatos niya ay kagaya ng mga isinusuot na sapatos ng mga lolo, simple ngunit matibay.

2—May suweldo ba ang Pope?

Hindi suweldo kundi Vatican budget per year ang kanyang tinatanggap. Ito ang ginagamit sa Pope’s expenses: food, travel, the Papal apartments, staff sa Vatican at marami pang iba. Saka lang sila makakatanggap ng pera kapag namatay na. Itatabi sa kabaong ng Pope ang bag na naglalaman ng gold, silver at copper coins. Simbolo lang iyon ng kabayaran sa kanyang paglilingkod. Kaya hindi iyon isasama sa kanyang libingan.

3—Puwede ba silang mag-alaga ng pet sa Vatican apartment?

Hindi puwede. Kung ipipilit, puwedeng dalhin ito sa kanyang private residence at paaalagaan sa staff.

4—Pinapayagan ba silang magpatubo ng balbas?

Hindi ipinagbabawal ngunit hinihimok na huwag magpatubo for reasons of hygiene. Can you imagine, na sumasawsaw ang balbas ng Pope sa communion wine habang iniinom niya ito at dinadasalan. Parang dinumihan niya ang simbolo ng dugo ni Kristo.

5—Nagbabakasyon din ba sila?

Oo pero hindi sila pumupunta sa pampublikong bakasyunan kundi sa  pribadong summer residence para sa Pope, ang Castel Gandolfo.

(Itutuloy)

vuukle comment

VATICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with