^

PSN Showbiz

Anne ayaw pa sanang pakasal

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Aligaga na si Anne Curtis sa pagpaplano ng kanilang kasal ni Erwan Heussaff. Ito ay sa kabila ng pangyayaring kasi-celebrate lamang niya ng silver anniversary sa showbiz at abala sa napakaraming proyekto.

Kung siya ang masusunod, ayaw pa sana niyang mag-asawa, pero binigla siya ni Erwan sa proposal nito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang alok nito.

Jennica ayaw ipagkatiwala ang anak sa iba

Sa kabila ng hindi niya pagiging aktibo sa showbiz ay walang naririnig na reklamo mula kay Jennica Garcia na itinalaga na ang sarili sa pagiging hands on mom ng anak niyang si Athena Mori sa aktor ding si Alwyn Uytingco. Tumatanggap pa rin naman ng mga role ang anak ni Jean Garcia sa pelikula at TV, pero limitado lamang dahil ayaw niyang maiwan ng matagal ang anak na wala namang yaya.

Nag-celebrate ng kanilang anniversary sina Jennica at Alwyn sa Tokyo kasama ang kanilang anak. Bukod sa kanyang pag-aartista ay pumasok na rin sa isang online business si Alwyn at gumagawa ng video blogging at websites.

Vice Ganda wala nang pag-asang magka-lovelife ng bongga

Dapat ay tanggap na ni Vice Ganda by this time na bibihira sa isang katulad niya ang magkaroon ng isang perfect lovelife. Tama na ‘yung nakaranas siya na umibig at ibigin, pero hanggang dun lang ‘yun. Huwag na siyang umasa pa ng isang relasyon na hihigit pa sa inaasahan niya, lalo’t may pangalan, sikat at may imahe siyang inaalagaan.

Buti na lamang at nagka-concert siya kung saan ay nagawa niyang mailabas ang nilalaman ng kanyang dibdib gaano man ito kapait o katamis.

Ejay pinaghihintay ng matagal ang GF

Going on strong ang bago pa lamang na relasyon nina Ejay Falcon at nobya niyang si Jana Roxas. Kung ang aktor ang masusunod, gusto niyang mapaabot ang kanilang relasyon ng napakahabang panahon. Panay ang pagbibigay nito ng assurance sa kanyang nobya ng kanyang pagmamahal at paghingi ng pag-intindi sa trabahong kanyang ginagawa. Artista rin naman si girl kaya naiintindihan nito ang demands ng trabaho ni Ejay. Hoping ang dalawa na forever na ang relasyon nila.

Cristine gusto na uling mag-anak!

Payag na si Cristine Reyes na sundan ang panganay nila ng kanyang husband na si Ali Khatibi. Bagaman at hindi naman tumitigil sa kanyang pag-aartista si Cristine can afford ito na huwag munang umarte at mag-concentrate sa mga balak niyang pagnenegosyo. Suportado siya ng kanyang husband sa endeavor niyang ito.

Obvious na masaya ang aktres sa kanyang buhay may asawa kaya ito ang binibigyan niya ng priority.

vuukle comment

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with