^

PSN Palaro

Baby Tams kumakaway sa korona

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ginulantang ng Far Eastern University-Diliman ang defending champion National University, 66-65  upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nakabaon ang Baby Tamaraws sa pagsisimula ng laro, 2-9 subalit mabilis na nakabangon ang Diliman-based squad upang makabalik sa porma at makuha ang panalo.

“Bago kami sa championship series so medyo nanibago ang mga bata. Natutuwa pa at nasa Finals. Mabuti at naka-reco­ver kaagad kami,” ani FEU-Diliman coach Albano.     

Nagtangka ang Bull­pups na makababawi nang rumatsada sina John Lloyd Clemente at Rhayyan Amsali ngunit agad itong nasawata ng Baby Tamaraws nang umariba si slotman Kenji Roman ng dalawang charities na siyang naging daan tungo sa panalo.

Nagtala si Roman ng kabuuang 12 puntos at walong rebounds habang nagdagdag si Xyrus Torres ng 10 puntos at limang boards para sa FEU.

Nagsumite naman si LJ Gonzales ng pitong puntos kalakip ang 10 rebounds at 10 assists.

  

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with