^

PSN Showbiz

Alden hindi pa rin kayang magtrabaho! Kadramahan ni Mocha pinanggigigilan na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pursigido na ang mga taga-PTV4 na pa­lakasin lalo itong government station para mapalapit daw sa taumbayan.

Aminado sila na malaki ang naitulong ng mga halos araw-araw na speech ni Pres. Rodrigo Duterte kung saan sa PTV4 pini-pick up ng ibang TV network.

“Ang kini-carry talaga namin ang lahat na speeches niya, lahat ng appearance niya. We work closely with RTVM. It’s part of the government bringing closer to the people, and because of that, si Pres. Duterte is crowd drawer eh,” pahayag ng General Manager ng naturang network na si GM Dino Apolonio

Pero may iba pa silang bagong programang sinimulan, at isa na rito ang Koreanovela ng Philippine-Korea Entertainment, Inc. o PKEI na The Legendary Doctor Hur Jun na nagsimula na noong nakaraang Sabado ng 9:15 ng gabi. Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo.

Naniniwala silang aariba ang PTV4 dahil na rin sa suporta ng ating Pangulong Duterte.

PAK: Nakalabas na ng Asian Hospital si Alden Richards kahapon ng hapon at pinagpahinga na muna ito sa tahanan niya.

Hindi pa masabi ng mga taga-GMA Artists Center kung kailan babalik ng trabaho si Alden dahil kailangan daw nitong magpaga­ling nang husto.

Magkakaroon ng malaking promo sina Alden at Maine Mendoza sa Baguio kung saan magkakaroon ng Panagbenga Festival sa February 26. Hindi lang daw muna nila masabi kung makakasama si Alden dahil titingnan pa nila kung kakayanin na ng katawan ng Pambansang Bae.

Pinag-uusapan pa rin ng fans ang isyung pagdalaw kay Alden. Nilinaw sa amin ng mga taga-Aldenatics na hindi raw sila ang pumunta ng hospital at dumalaw kay Alden. Mga miyembro raw ito ng Alden United na isa rin palang grupo ng fans ng Kapuso actor.

Bukod pala sa Aldenatics at Alden United, may iba ring fans club na Alden Ph, Alden, Alden International, at iba pa.

Inaayos naman daw nila ang isyu na hindi sila magkakawatak-watak para buo ang suporta sa nalalapit na drama series nilang Destined To Be Yours.

BOOM: Patuloy pa rin sa pagtalak si Mocha Uson sa kanyang blog dahil kinontra nito ang pagpapalusot ng episode noong nakaraang Sabado ng Ipaglaban Mo at ang isang episode ng The Better Half.

Sabi ni Mocha, palusot lang daw ng network ang SPG rating para maipalabas daw nila ang mga malalaswa at bayolenteng eksena.

Sabi ng singer/blogger, “Itong SPG ginagamit para mapalusot, mapalabas ‘yung mga eksena na katulad ng mga inirereklamo ninyo.

“Yung rape scene sa Ipaglaban Mo sa ABS-CBN at sa Better Half diyan din sa ABS-CBN na ang haba ng halikan, may nakapatong pa ‘yung babae dun sa lalaki.”

Naipapalusot daw iyun dahil sa patakaran daw ng mga board members na ginamit nung nakaraan pang administrasyon.

Wala naman daw siyang magagawa dahil isa lang daw siya sa tatlumpong board members ng MTRCB.

Mukhang wala naman daw siyang magagawa kaya magri-resign na lang daw siya.

“Nakakalungkot po mga ka-DDS kung patuloy pa rin po ang kalaswaan sa telebisyon dahil mas iniisip pa ang interes ng mga TV network, mas iniisip pa ang mga sponsors ng mga TV network na binabayad sa kanila kesa sa interes ng taumbayan.

“Kung wala naman po tayong magagawa dun, kung hindi natin makumbinse ang mga board member na pigilan itong malalaswang eksena, eh magri-resign na lang po tayo. Dahil hindi ko po maatim na tanggapin ang buwis ninyo na ibinabayad sa aking suweldo tapos hahayaan ko na lang po ang mga basurang programa na ‘to na ipinapalabas ng TV network para kumita sila, wala na po akong silbi diyan sa MTRCB,” pahayag nito sa kanyang blog.

As of presstime, hinihingan pa namin ng sagot si Chairman Rachel Arenas dito.

Ayaw naman magkomento ng ilang board members, pero nahahalata naming gigil na gigil na sila sa kadramahan ni Mocha.

 

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with