^

PSN Showbiz

Mark ginastusan daw ni Winwyn sa Japan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sayang at binura na ni Mark Herras ang mga comment sa kanyang Instagram (IG) account nang i-post at linawing hindi pa sila engaged ni Winwyn Marquez. Wala pa umano silang planong magpakasal at lalong hindi buntis ang kanyang GF.

Part ng post ni Mark: “FYI...nag-celebrate kame ng Valentine’s day sa Japan:) Nag-enjoy,”

“We are not yet engaged dahil siyempre I will ask permission sa mga magulang ni Wyn...Dahil un ang tama at dapat ko siyang buhayin.”

“FYI...she’s not pregnant wag kasi masyado assuming ang mga tao. She’s not ready (pakasal), she has a lot of plans pa sa buhay at gusto kong matupad nya lahat un.”

May basher na dalawang beses minura ni Mark dahil na rin sa mga palpak na comments. Napa-comment tuloy si Yasmien Kurdi ng “Ano ba herras! Hahaha deadma ka na lang:) hahaha yaan mo sila ang importante happy kayo...Di na kayo mga bata:) Go #teampangga.”

May mga nagpayo rin kay Mark na dedmahin ang bashers at nakikisawsaw sa isyu na hindi naman alam ang istorya. Pero kung kukuwestiyunin naman ang financial status ni Mark at palabasing si Winwyn ang gumastos sa Japan vacation nila, karapatan ng aktor na sumagot at magalit.

Pati si Winwyn, napasugod sa IG ni Mark para ipagtanggol ito sa mga basher. Post ni Winwyn, “Yung sa sagot lahat sa trip na sinasabi mo not true at all. He organized this trip months ago. AND Mark is known and hindi niya kailangan gawin yun plus hindi ako superstar or sikat para magawa ‘yun.”

Unfair nga naman kay Mark ang akusasyon. Nagtatrabaho ito, there was a time, tatlo ang sabay-sabay nitong show at ngayon, kasama siya sa Destined To Be Yours.

Sunshine tuloy ang kaso sa third party

Idinemanda pala ni Sunshine Dizon ang babaeng sinasabing third party sa hiwalayan nila ng dating mister na si Timothy Tan. Ito’y nalaman nang sagutin nito ang basher sa social media dahil sa pag-drop ng aktres ng demanda sa kanyang asawa.

Hindi nagustuhan ni Sunshine na tinawag siyang “lame” ng dating follower at ipinaliwanag na ang dalawa niyang anak na nangangailan pa ng kalinga ng kanilang ama ang dahilan sa pagda-drop niya ng kaso sa dating mister.

“And before you go calling me LAME and accuse me of asking for pity make sure that you know what you’re talking about. For your information I still have an on going case against that woman.”

Naalala namin nang ma-interview si Sunshine sa taping ng Ika-6 na Utos, ayaw nitong pag-usapan ang demanda at ayaw ngang kumpirmahin ito. Pero dahil hindi siya nakapagpigil, nalaman din ito.

Malapit na raw ang hearing nito, kaya abangan natin ang mga detalye at kung ano’ng eksaktong kaso ang isinampa niya sa tinawag niyang “that woman.”

Kuwento ng lalaking Jewel In the Palace nakuha ng PTV4

“The male counterpart of Jewel In the Palace” ang pakilala ng PTV4 sa The Legendary Doctor, ang Korean drama na nagsimula nang mapanood sa nasabing network last Saturday, February 18 9:15 p.m., after ng LOTTO draw. Mapapanood din ito ng Sundays.

May 64 episodes ang The Legendary Doctor sa Korea at laging mataas ang ratings hanggang matapos ayon sa Google. Ang daming cast ng Korean drama at isa sa magandang nagawa nito sa viewers ay muling nagka-interes ang Koreans sa traditional Korean medicine.

Bida sa The Legedary Doctor sina Jun Kwang-ryul as Hun Jun, Hwang Soo-jung as Lady Ye-jiin, Lee Soon-jae as Yoo Ui-tae, at marami pang iba.

Handog ito ng PTV4 at Philippine-Korean Entertainment, Inc. or PKEI.

Area ni AiAi tuloy ang pag-arangkada sa international filmfest

Sunud-sunod ang pagkilala sa international film festival kina AiAi delas Alas at director Louie Ignacio para sa pelikulang Area. Nominado ang dalawa sa Best Female Actor at Best Director for Narrative Feature respectively sa Queens World Film Festival New York City. Gaganapin ang filmfest mula March 14 to 19.

Nauna nang nakakuha ng Special Jury Prize ang Area sa Eurasia International Film Festival.

Solenn kontrabida na!

May mga babalik o papasok na bagong karakter sa Encantadia na ikagugulat ng viewers at baka nga lumabas na ang bumalik o bagong karakter sa fantaserye. Kulay purple ang teaser na pino-post ni direk Mark Reyes. Kanya-kanyang hula ang viewers kung ano ang ibig sabihin nito.

Ikinalulungkot pa rin ng viewers na iba na ang karakter ni Solenn Heussaff dahil hindi na siya si Cassiopea kundi si Avria na. Hindi na siya kakampi ng mga Sang’gre kundi kalaban na.

vuukle comment

WINWYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with