^

PSN Showbiz

Jessy todo promote sa nakasira ng hair ni Angel?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy todo promote sa nakasira ng hair ni Angel?!
Angel Locsin at Jessy Mendiola

MANILA, Philippines - Misinterpreted ang throwback photo ni Jessy Mendiola na short hair at ang boomerang niya sa salon na nababalitang nakasira diumano ng buhok ni Angel Locsin.

Ang feeling ng ibang fans ni Angel, sinasadya na ni Jessy ang pang-iinis sa kanilang idol. In bad taste rin ang tingin nila sa pagpo-promote ng girlfriend ni Luis Manzano ng nasabing salon na kung tutuusin ay siya ang endorser.

Sa throwback photo ang caption ni Jessy ay: “When I gained weight, people would say I was fat.

“But when I lost weight, people would say I was too thin.

“That goes to show that you can’t please anyone but yourself because when you’re happy, you’re healthy.” #remindingmyself #notobodyshaming#thunderthighsforlife #putokarms#labansahashtag

Habang sa boomerang at photo niya na long hair sa controversial salon, ay ipinapakitang nagpagupit si Jessy ng hair.

Kung sabagay lahat naman ng galaw ng kahit sino ngayon, puwede nang pakialaman ng netizens.

Kaya hindi naka­kagulat kung panget ang dating ng throwback and boomerang ni Jessy sa kanyang Instagram account.

Ilang araw pa lang ang nakakaraan nang pag-usapan din si Angel dahil sa pictorial naman nila ni Marian Revera. May pagka-astig kasi ang dating ni Angel na ginawan din ng masamang kahulugan.

Mocha sa blog nagsumbong, tameme raw ‘pag nasa meeting ng MTRCB

“Umayos ka Mocha. Respeto. Hindi basura ang ginawa ko.”

Ito ang ginamit na hashtags ng actor na si Edgar Allan Guzman sa bintang at ‘sumbong’ ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Board Member Mocha Uson ukol sa sinasabi nitong basura diumano ang pinaghirapan nilang episode sa Ipaglaban Mo na umere two Saturdays ago.

“Mawalang galang na po MOCHA, kilala mo ako simula pa noong nagkatrabaho tayo sa TV5. Hindi ko matanggap na sabihin mong BASURA ang pinaghirapan naming episode ng IPAGLABAN MO. Kung mayroon kang reklamo ukol dito, dumaan tayo sa tamang proseso. May due process sa mga reklamo sa MTRCB - at bilang Board Member, mas maganda kung pag-uusapan ito nang maayos, hindi yung nanlilibak at nagwawala ka na sa social media blog mo. Mabuti pa ang MTRCB Chairman ninyo na may itinakdang pagpupulong tungkol dito bukas at hindi yung nag-iingay ka na agad. At sa huli’t huli, itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa IPAGLABAN MO kaysa sa mga pelikula mong BUTAS 2 (2012) at SEKSING MASAHISTA (2011). Please konting RESPETO naman sa mga artistang Pilipino at oo, RESPETO rin sa tamang proseso bilang concerned na mamamayang Pilipinong nasa poder ngayon. #Respeto#HindiBasuraAngGinawaKo #UmayosKaMocha”.

Abuso ang title ng nasabing episode ng Ipaglaban Mo na ayon kay Mocha ay hindi dumaan sa MTRCB. 

Nakasama ni EA sa nasabing episode sina Shy Carlos, Paolo Paraiso, Kitkat, at Maricar de Mesa.

Bukod kay EA, nagsalita rin ang talent manager at comedian na si Ogie Diaz na ‘pag nasa meeting ng MTRCB si Mocha ay wala naman siyang sinasabi.

“Saka ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng board meeting para i-explain sa newly appointed board members ang classification and review at yung sinasabi mong SPG, at pag andun ka naman, hindi ka naman daw vocal sa mga concerns mo, kaya ba’t sa taumbayan mo inilalatag ang hinaing mo, ba’t hindi sa board?” bahagi ng pahayag ng katotong si Ogie sa kanyang FB account.

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with