^

Bansa

Dureza umapela sa buhay ng bihag na Aleman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Spare his life!

Ito ang mariing apela kahapon ni Peace Secretary Jesus Dureza sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na huwag pugutan ng ulo ang Aleman na si Jurgen Gustav Kantner na bihag ng mga ito sa Sulu.

Una nang nagtakda ng palugit ang Abu Sayyaf na hanggang alas-3 ng hapon sa darating na Pebrero 26 kapag hindi ng mga ito napasakamay ang P30 M ransom kapalit ng kalayaan ng Aleman.

Sa kabila nito, nanindigan si Dureza na nanatili ang ‘no ransom policy’ ng gobyerno sa mga kaso ng kidnapping.

Si Kantner, 70, ay binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf habang sakay ng yate na ‘Rockfall’ sa pagitan ng karagatan ng Tanjung Luuk, Pisuk, Sabah at Tawi-Tawi noong Nobyembre 2016.

Ang misis nito na si Sabine Merz ay natagpuang hubo’t hubad ang bangkay at may mga tama ng bala sa ulo sa loob ng kanilang yate na palutang-lutang sa karagatan ng Laparan Island, Pangutaran, Sulu noong Nob.e 6, 2016.

Sinabi naman ni Col. Cirilito Sobejana. Commander ng Joint Task Force Sulu na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang iligtas ang buhay hindi lamang ang bihag na Aleman kundi ang lahat ng nalalabi pang hostages ng mga bandido sa lalawigan.

Sa kasa­lukuyan, pinaplano at iniingatan nila ang kanilang mga pagkilos upang hindi mapahamak ang buhay ng mga bihag sa rescue operation.

vuukle comment

JESUS DUREZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with