^

Probinsiya

Bus salpok sa kahoy: 2 dedo, 4 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Patay ang dalawa katao ha­bang apat pa ang suga­tan makaraang mawalan ng kontrol at bumangga ang bus ng Philtranco na sa mga kahoy sa tabi ng highway ng Brgy. Peñafrancia, Daraga, ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa hospital dahil sa matitinding sugat sa katawan makaraang maipit ang biktimang si Jane Dimaano, 60, ng Jarden St., Bacon District, Sorsogon City at Henry Bartolome na nasawi habang ginagamot sa ospital. Nilalapatan naman ng lunas sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang tatlong pasahero na sina Mary Ann Desuro, 23;  Hernan Bartolome, 47, at Monina Barcelon, 53, pawang sa Bacon District, Sorsogon City. Samantala, sugatan din ang sumukong driver ng bus na si Arvin Eva, 35, ng Sawanga-Bacon District.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, alas-3:05 ng madaling araw habang binabaybay ng Philtranco bus (ABG-8685) galing Maynila at patungong Sorsogon ang lugar nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa palusong at palikong bahagi ng daan dahilan upang sumampa ito sa gutter at ilang beses nagpaikut-ikot bago bumangga sa malalaking kahoy ng akasya sa tabi ng kalsada at sa konkretong bakod ng isang bahay.

Sa ulat ng Daraga Police, posibleng nakaidlip ang driver kung kaya hindi nito namalayan ang palusong at palikong bahagi ng kalsada.

vuukle comment

PHILTRANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with