^

PSN Showbiz

Mga Pinoy, may hangover pa rin sa pagkatalo ni Maxine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay may Miss Universe fever pa rin ang mga Pinoy kung saan itinanghal na 2016 Miss Universe ang kandidata ng France na si Iris Mattenaere, isang dental student sa kanyang bansa. 

Hindi man pumasok sa Top 3 ang kinatawan ng Pilipinas na si Maxine Medina, very proud pa rin sa kanya ang kanyang mga kababayan dahil pumasok siya sa Top 6 besting 80 other candidates. In fairness to her, she did well.

Ang galing-galing mamintas ng marami sa atin pero hindi nila minsan kinu-consider na hindi maiiwasan sa isang kandidata ang kabahan kapag nasa entablado na laluna kung nakasalang na sa Q&A.

Pagkatapos sa Pilipinas, saan naman kaya gaganapin ang susunod na ika-66th Miss Universe?

Julia itutuloy na ang biyahe sa Germany

Sa Pebrero 10 na magtatapos ang longest-running daytime drama ng 2016, ang Doble Kara na pinagbibidahan ng tinaguriang Daytime Drama Queen sa telebisyon na si Julia Montes. Ang nasabing serye ay nagsimula noong June 2015. Ito’y tinatampukan din nina Sam Milby, Mylene Dizon, Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Maxene Magalona, Edward Allan Guzman, Allen Dizon kasama sina Rayver Cruz, Mickey Ferriols, Alicia Alonzo, Anjo Damiles, John Lapus, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Polo Ravales at Patricia Javier.

Although masaya si Julia at ang bu­mubuo ng cast at production staff sa patuloy na magandang ratings ng serye, hindi maialis sa kanila ang ma­lungkot sa malapit na pagtatapos ng serye. “We found a family in Doble Kara, ani Julia.

“Siyempre, pagkatapos nito, hiwa-hiwalay na kami ng proyekto at mami-miss namin lahat ang aming magandang samahan sa set na para kaming isang pamilya,” patuloy niya.

Puring-puri si Julia ng kanyang mga kasamahan sa serye maging ang dalawang director na sina Trina Dayrit at Manny Palo dahil sa pagiging mabait, professional at grounded ng mahusay na young actress.

Ang inaasahang one season run ng Doble Kara ay uma­bot ng halos dalawang taon sa ere kaya masayang-masaya ang Dreamscape Entertainment na pina­mumunuan ni Deo Endrinal sa malaking tagumpay ng serye.

Ngayong magtatapos na ang Doble Kara, may pagka­kataon na si Julia na dalawin ang kanyang biological dad na si G. Martin Schnittka and his new fa­mily sa Germany tulad nang ipina­ngako nito.

Samantala, maganda ang na­ging direction ni Julia dahil kaya niyang tumayo on her own nang hindi du­midepende sa isang love­team.

Ellen umaming ‘di ka-level si Ejay

More than her beautiful face and sexy body, si Ellen Adarna ay isang mahusay na actress at ito’y kanyang pinatuna­yan sa mga pelikulang Bayang Magiliw, about reproductive health, at Tag-araw ni Twinkle kung saan siya gumanap na drug addict-rebel. 

Muli na namang masusubukan ang husay ni Ellen sa pag-arte sa pamamagitan ng epic romantic drama na Moonlight Over Baler na idinirek ni Gil Portes under T-Rex Entertainment at tinatampukan din nina Vin Abrenica, Sophie Albert, at Elizabeth Oropesa. Ang nasabing pelikula ay hango sa Palan­ca award-winning story ni Eric Ramos at matutunghayan sa mga sinehan nationwide simula sa February 8.

Speaking of Ellen, matapos nitong amining break na sila ng Presidential son na si Baste Duterte tinanong din namin siya kung bakit niya binasted ang actor na si Ejay Falcon na naka­trabaho niya sa hit afternoon TV series na Pasion de Amor. Inamin ng sexy star na hindi niya makasundo ang actor pagdating sa intellectual discussion pero mabait daw talaga ang Kapamilya actor.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with