^

Para Malibang

House Of Death (156)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

NAKANGITI kay Father Basti ang magandang babae. Ngumiti naman siya. Hindi niya alam ito si Anna.

Napansin naman siya ng hospital attendant na nagtutulak ng kanyang stretcher.

“Father ...”

“Yes ...”

“Okay lang ho ba kayo? Alam ninyong nasa ospital kayo, papuntang ER?”

Nagtaka naman ang pari sa tanong ng attendant. Siya naman ay nabugbog, nasugatan sa ibang parte ng katawan.

Hindi naman siya napalo sa ulo. Kaya may huwisyo siya. Bakit kaya nagtanong ito na para ba siyang wala sa sarili.

“Oo naman. Bakit naman ganyan ang tanong ninyo sa akin, Kuya? Mukha ba akong hindi okay?”

“Tinitiyak ko lang ho. Kasi ngumiti kayo doon kahit walang tao. Baka ‘kako nahihilo kayo, ganyan ang epekto.”

Napakunot-noo si Father Basti. “Anong walang tao doon? Meron! Nabubulag ka ba? Nandidiyan pa rin siya, o. Ang babaing maganda na napakadi­sente at sweet ngumiti.”

Halatang kinilabutan ang hospital attendant. Medyo namutla pa nga. Tumingin nang mariin sa direksiyon kung saan may tao daw.

Kaso wala talaga siyang nakikita.

“Father, kapag nagtanong po sa akin ang doctor na titingin sa inyo sa ER, sasabihin ko pa na may mga hallucinations kayo. Sana po hindi ibig sabihin ay malala kayo.”

Medyo nainis ang pari. “Sinong malala? Saka anong hallucinations? Wala akong hallucinations. Ang nakikita ko ay totoo. May magandang babae diyan na hanggang ngayon ay nakatayo at ang ganda ng ngiti sa akin.”

“Father ... wala po ... wala pong tao diyan. Kahit nga po anino ng tao wala diyan, e. Bakanteng-bakante po ang sulok na ‘yan.”

Natigilan ang pari. Hanggang ngayon kasi, may nakatayo pa ring magandang babae doon. Na hindi niya alam ay si Anna, asawa ni Mario.

“Hindi ka niya nakikita. Bakit kaya?” Takang nagtanong ang pari kay Anna.

Para ring naguluhan si Anna sa sinabi ng pari. Hindi maunawaan kung bakit ganoon ang sinabi nito.

“Father, huwag na lang kayong maniwala sa kanya. Baka binibiro lang ho kayo.” Pero habang sinasabi ito ni Anna, may taong dumaan mismo sa kinatatayuan niya at kita ng pari na hindi nabunggo si Anna, lumusot lang ang dumaan sa image ni Anna.

ITUTULOY

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with