^

Pang Movies

Paulo laging hinahanap ng anak kay LJ

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Idinadaan na lang sa ngiti ni LJ Reyes ang mga tanong kung regular bang nabibisita ni Paulo Avelino ang anak nilang si Aki.

May balita kasing may mga importanteng events sa school si Aki na hindi napupuntahan ni Paulo. Mas nakakarating pa raw ang present boyfriend ni LJ na si Paolo Contis.

“Busy kasi siya kaya wala siyang time siguro,” simpleng sagot na lang ni LJ.

Totoo daw na madalas magtanong si Aki tungkol sa kanyang ama.

Nasa age na kasi si Aki na hinahanap-hanap niya ang daddy niya.

“Napapanood kasi niya sa TV si Paulo. Nagtataka lang siya kung bakit hindi niya ito nakikita ng madalas.

“Sinasabi ko na lang sa anak ko na busy ang daddy niya,” diin pa ni LJ.

Nagpapasalamat si LJ na nandiyan si Paolo na nagiging source of happiness niya ngayon.

Pero wala pa raw silang balak magpakasal.

“Naku wala pa iyon sa mga plano namin. Marami pa kaming kailangan ayusin.

“Siguro kapag okey na ang lahat at kung kami pa, then may maisasagot na ako sa tanong na ‘yan,” sabay tawa niya.

Si LJ ang magiging kontrabida sa buhay ni Julie Anne San Jose sa GMA Afternoon Prime teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Pinoy Olympic figure skater na si Michael Martinez puspusan ang pagpapa-macho

Natuwa ang Pinoy Olympic figure skater na si Michael Martinez dahil sa pag-viral ng kanyang mga pinost na photos sa Instagram nitong nakaraang mga araw.

Maraming netizens ang nagulat sa magandang physical transformation ni Michael na mula sa isang payat na nagbibinatang skater sa pagiging isang hunk Olympian.

Pinagkaguluhan ng marami ang kanyang mga abs na ipinakita ni Michael in full view sa isang photo.

Pero may ilang netizens na nagsabi na baka Photoshopped (edited) lang daw ang mga ito.

Para pabulaanan ang mga claim ng iba, naglabas ng isang video si Michael na nagwu-work out ito at pinapakita ang kanyang abs habang nasa tabi ng swimming pool.

Ayon pa sa interview kay Michael ay matagal na raw siyang may abs at talagang pinapalakas niya ang kanyang upper body dahil importante raw ito para sa kanyang propesyon bilang figure skater.

“I realized, I watched a couple of the documentaries of the other skaters, and I learned that I have to work out my upper body to maintain good performance,” sey pa niya.

Bukod sa paghahanda sa 2018 Winter Olympics, nais din daw ni Michael na maging isang fitness model kaya todo ang kanyang pag-workout sa kanyang mga muscles.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with