^

Police Metro

3 ‘tulak’, todas sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumimbuwang ang tatlong pinaniniwalaang ‘tulak’ ng droga makaraang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Navotas City police, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga ito na sina Maximo Pepito, 54; Marlon Pepito, 39; at Roel Rustia, 25, pawang mga naninirahan sa Sto. Nino, Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South, ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs unit ng Navotas City Police dakong alas-2:45 ng hapon target ang magkapatid na Pepito makaraang makatanggap ng ulat sa mga residente sa patuloy na pagtutulak nila ng iligal na droga at ginagawa pang drug den ang bahay nila sa kabila ng pagsuko sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’.

Nagawang makapasok sa ikalawang palapag ng bahay ng mga suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Habang katransaksyon sina Marlon at Roel, nagbabantay naman sa ibaba ng hagdan si Maximo.

Biglang nakahalata ang suspek na si Marlon na pulis ang kanilang kausap kaya nagtangka umanong bumunot ng baril ngunit naunahan na mapaputukan ng pulis na buyer. Samantala, armado ng isang sumpak, tumalon sa bintana palabas ng bahay si Roel ngunit sinalubong ng mga nakapaligid na mga pulis hanggang sa magkapalitan ng putok. Nasawi rin si Maximo nang sumalakay ang mga awtoridad sa bahay.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril na gamit ni Marlon at dalawang sumpak (12mm gauge improvised shotgun). Nakumpiska rin ang ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with