^

Probinsiya

1 patay, 5 pa nawawala sa nasunog na barko

HIDDEN AGENDA - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ulat na pagkawala ng 10 tripulante sa nasunog at lumubog na barkong M/V Virginia 1, iniulat kahapon ng Philippine Coast Guard na isang katawan ang narekober habang lima pa ang kanilang pinaghahanap sa pagpapatuloy ng search and rescue operations sa karagatang sakop ng Southwest, Caballo Island, may 8 nautical miles sa Fortune Island sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa mga survivors, ala 1:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa purser’s cabin. Tinangka nilang apulain pero hindi nila nakayanan kaya alas-2:00 ng madaling araw nang iutos ng kapitan na abandonahin ang barko. Anim ang sumakay sa life raft habang ang lima ay sa life boat subalit minalas na ang limang sakay ng life boat ay lumubog dahil sa lakas ng hangin at malalaking alon.

Namatay ang isang crew na si Sonny Ruado bandang alas-6:00 ng umaga dahil sa hindi nakayanang pagod. Iginapos sa plastic container upang hindi lumubog ang bangkay nito sa dagat, 12 nautical miles mula Corregidor Island. Alas-9:15 nang mailigtas ang limang crew sa pagdaan ng mga mangi­ngisda sa pagitan ng La Monja at Fortune Island at dinala sa Bgry. Poblacion, Mariveles, Bataan at ipinasa sa PCG Sub-station Mariveles.

Kinalala ang mga nakaligtas na sina Ronald Garcia, 54, ship master; Luis Madla, 60, chief engineer; Jun-jun Manalo, 33, purser at Ian Badayos, 22, cook habang pi­naghahanap pa sina Cilidonio Magbanua, 54; Edwin Inajenes, 33; Dennis Gadon, 37; Virgilio Macaraeg, 54 at Ramilo Fetalbero, 50.

Nauna rito, nasagip ng dalawang mangingisda ang tripulante na si Angelo Gambol, quarter master, habang palutang-lutang sa Bogiw Island, malapit sa Brgy. Papaya, Nasugbu, Batangas.

vuukle comment

BARKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with