^

Probinsiya

Bus salpok sa motorsiklo: 2 babae durog

CROSSROADS (Toward Philippine Economic and Social Progress) - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Basag ang mga ulo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider at angkas nitong kapwa babae nang banggain ng pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Libod, bayan ng Camalig, Albay kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Janette Sison, 29 anyos ng Brgy. Travesia at Analiza Oco, 36-anyos ng Purok 4, Brgy. San Miguel-Maipon, pawang sa Guinobatan, Albay.

Sa ulat ng Guinobatan Police, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang papauwi ang magkaangkas na mga biktima lulan ng motorsiklo na may plakang 7168-ER nang okupahin ang kanilang linya ng kasalubong na DLTB bus (UYA-278) na minamaneho ni Virgilio Licardo, 58- anyos ng Brgy. Silang, Labo, Camarines Norte. Naging mabilis ang pangyayari nang salpukin ng nasabing bus ang mga biktima na tumi­lapon sa daan, ilang metro ang layo sa kalsada sa lakas ng pagkakabangga.

 Sinubukan pang isugod ang dalawang biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero idineklarang kapwa patay.

Agad namang naaresto ang driver ng bus.

vuukle comment

BUS SALPOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with