^

PSN Palaro

So pinisak ang Dutch GM

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang magandang ratsada ni Filipino Grandmaster (GM) Wesley So upang manatili sa ikalawang puwesto matapos ang fourth round sa prestihiyosong 2017 Tata Steel Masters Chess Tournament na ginaganap sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Inilampaso ng 23-an­yos na si So si GM Loek Van Wely ng Netherlands para mapaangat nito ang kanyang puntos sa tatlo.

Kasalo ni So sa No. 2 spot si defending champion GM Magnus Carlsen ng Norway na mayroon ding tatlong puntos matapos payukuin si GM Wei Yi ng China sa kanilang fourth-round match.

Solo ni GM Pavel Eljanov ng Ukraine ang lide­rato bitbit ang 3.5 puntos.

Galing si Elijanov sa panalo laban kay GM Baskaran Adhiban ng India sa fourth round.

Magkakasama sa ikaapat sina GM Pentala Harikrishna ng India at GM Sergey Karjakin ng Russia na may parehong 2.5 puntos, habang nasa four-way tie sa ikaanim sina Wei, GM Dmitry Andreikin ng Russia, GM Anish Giri ng Netherlands at GM Levon Aronian ng Armenia hawak ang tig-dalawang puntos.

Nasa ika-10 sina GM Ian Nepomniatchtchi ng Russia at GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland taglay ang 1.5 puntos kasunod sina Adhiban at GM Richard Rapport ng Hungary na may tig-isang puntos at Van Wely na may kalahating puntos.

Sa fifth round, maghaharap sina So at Harikrishna, Eljanov at Aronian, Karjakin at Adhiban, Wojtaszek at Van Wely, Andreikin at Rapport, Wei at Giri at Nepomniatchtchi at Carlsen.

Nais ni So na malampasan ang kanyang ikaapat na puwestong pagtatapos noong nakaraang taon sa torneo.

 

vuukle comment

DUTCH GM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with