^

PSN Palaro

San Beda kampeon sa men’s at juniors football

BIZLINKS - Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matamis na naisakatu­pa­ran ng San Beda College ang pagwalis sa seniors’ at juniors’ titles ng NCAA Season 92 football competition kahapon sa Rizal Memorial Football Field.

Kinailangan ng Red Boo­ters ng malakas na pu­wer­sa sa extra time upang kubrahin ang 1-0 panalo laban sa College of Saint Benilde.

Naisalpak ni Connor Ta­cagni ang umaatikabong goal sa ika-114 minuto ng laban para tulungan ang San Beda na mabawi ang kampeonato.

“Iyong desire ng mga pla­yers na manalo, yun ang nagdala sa amin dito. The players deserve this win. Talagang pinaghirapan ng mga bata ito,” wika ni San Beda head coach Michael Pedimonte.

Ito ang ika-22 titulo ng Red Booters sa liga.

Tinapos ng San Beda ang kampanya hawak ang malinis na 9-0 rekord.

Nakuha ng Red Boo­ters ang 6-0 sweep sa eli­minasyon bago isa-isang payukuin ang Benilde, Arellano University at Lyceum of the Philippines sa semifinals.

Sa juniors’ division, ini­lam­paso naman ng San Be­da ang La Salle-Greenhills sa bendisyon ng 5-1 panalo para kubrahin ang kampeonato - ang ika-17 korona ng Junior Red Cubs.

Naitarak ni Reinchard Colasito ang unang goal ng San Beda sa ika-21 minuto ng laban ngunit naitabla ito ng La Salle-Greenhills mula sa goal ni Theosore Uriam Travis sa ika-47 minuto.

Sa second half ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang San Beda nang humataw pa ito ng apat na goals kabilang ang dalawa mula kay Christopher Villanueva sa ika-49 at ika-56 minuto.

vuukle comment

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with