Warriors niresbakan si James at ang Cavaliers
OAKLAND, Calif. -- Ipinakita ni Stephen Curry at ng Golden State Warriors na handa silang makipagrambulan kay LeBron James at sa nagdedepensang Cleveland Cavaliers sa Hunyo.
Nagsalpak ang two-time reigning Most Valuable Player ng limang three-pointers para tumapos na may 20 points at pinantayan ang kanyang season best na 11 assists sa 126-91 paglampaso ng Warriors sa Cavaliers.
Umiskor naman si Klay Thompson ng 26 points tampok ang limang triples, habang humakot si Draymond Green ng 11 points, 13 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikatlong triple-double ngayong season.
Nag-ambag si Kevin Durant ng 21 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 blocks para sa Golden State na tinakasan ng Cleveland, 109-108, noong Disyembre 25.
Tumapos si James na may 20 points mula sa masamang 6-of-18 fieldgoal shooting at muling nakabanggaan si Green kagaya ng nangyari sa nakaraang NBA Finals.
Nagdagdag si guard Kyrie Irving ng 17 points para sa Cavaliers.
Sa 6:55 minuto sa period kung saan hawak ng Golden State ang 52-35 abante ay nabangga ni James si Green sa midcourt na nagresulta sa flagrant 1 foul sa Golden State All-Star forward.
Sa Los Angeles, dinomina ng Clippers ang Oklahoma City Thunder dahil sa hindi paglalaro ni big man Steven Adams.
Kinuha ng Clippers ang 120-98 panalo laban sa Thunder tampok ang 23 points at 10 rebounds ni Marreese Speights.
Sa Phoenix, pitong Utah Jazz players ang umiskor sa double-figures para talunin ang Suns, 106-101.
Nagtala si Rudy Gobert ng 18 points, 17 rebounds at 4 blocks, habang umiskor si Gordon Hayward at George Hill ng tig-7 markers para sa Jazz.
- Latest