^

PSN Opinyon

‘Modus sa ginto’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

HINDI LAHAT ng kumikinang ay ginto meron diyan tatansuin lang pala kayo lalo na ang modus ng Bullion Buyers Ltd.

Taong 2013 nang mai-publish namin ang tungkol dito. Taga Tarlac noon ang lumapit sa amin na si Antonio “Tony” Saplaco na nagrereklamo nang maloko sila nito.

Marami na kaming natatanggap na tawag at text na nagtatanong kung may katotohanan daw ang tungkol sa Bullion Buyers Ltd. (BBL) dahil dumadayo na ito sa kanilang probinsiya.

Sa Samar daw ay naroon ang grupo ng BBL at nangangakong tutulong sila sa mga mahihirap.

Si Myrna Balen na kinuha bilang participating leader (PL). Kwento niya taong 2012 nang ma-recruit sila ng kanilang kapitbahay na sumali sa organisasyon na ito.

Galing daw ito sa kayamanan ng mga Marcos na nakatago sa iba’t-ibang bansa. Dito raw kukunin ang perang ipamimigay sa mga mahihirap.

“Naging miyembro na kami ng BBL at maraming pagkakataon ng nangolekta sila ng pera sa amin kapag nagpapa-meeting sila,” ayon kay Myrna.

Nangungutang pa raw sa mga miyembro ang pinaka-leader ng BBL na hanggang ngayon ay hindi pa nababayara. Puro pangako lang daw ang ginagawa ng mga ito.

“Sabi sa amin dodoblehin o higit pa ang ibabalik nila sa amin. Kahit isa sa mga ipinangako nila mula nung 2012 ay walang natutupad,” sabi ni Myrna.

Ang pakilalang pangalan daw sila ay Red Dragon (RD) na si Emmanuel Destura at Felicisima Cantos.

Ipinangako kay Myrna na ang matatanggap niya ay Php48 milyong piso dahil siya ay isang PL habang ang iba naman ay dalawang milyon at isang milyong piso ang makukuha.

Sa laki ng makukuha ay naniwala sina Myrna sa mga sinabi sa kanila.

“Nagtiwala kami sa mga sinabi nila kaya gumastos kami ng malaking pera. Naubos na lahat ng pinaghirapan namin,” ayon kay Myrna.

Kapag nag-uutos daw siya sa mga coordinator ay gastos niya ang panggasolina at pangkain ng mga ito.

Pinagpapa-fill up lang daw ang ibang tao ng form at ang nakasulat dito ay Bullion Buyers Ltd.

Paliwanag pa sa kanila kapag humiram ng isang libong piso sa kanila ay magiging kabayaran nito ay isang daang libong piso.

“Umabot na ng ilang taon wala naman kaming natatanggap. Naghirap na kami ngayon dahil sa ginawa nila,” pahayag ni Myrna.

Kung sino pa raw ang mahihirap at nagsisikap para gumaan-gaan ang buhay ay sila pa ang binibiktima ng ganitong modus.

Halos Php300,000 na ang inutang ng mga ito kay Myrna hindi pa kasama ang mga kinukuha ng mga itong pledges pagnagkakaroon ng mga pagpupulong.

May matatanggap pa raw ng Php250,000 bilang retirement pay. Hanggang ngayon daw ay nagpapa-meeting pa ang mga ito.

May mga dokumento namang ibinigay sa kanila ang mga officers ng BBL at nang ipakita nila ito sa pulis ay sinabihan sila na peke ang mga ito.

Nais ni Myrna na matigil na ang panlolokong ito at maibalik ang kanilang pera. Hindi na daw nila maipagawa ang bubong ng kanilang bahay dahil naghihirap na sila.

Maliban kay Myrna may nag-text naman sa amin na ang huling numero ay 7414. Ayon sa kanya may kumakalat daw na form ng Bullion Buyers Ltd. sa Sorsogon City.

Ang paliwanag naman sa kanila ay tulad lang daw ito ng programa ng gobyerno na 4P’s. Nagtaka siya dahil kung ito ay ibibigay ng gobyerno dapat dumaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Wala naman daw prosesong pinagdadaanan para malaman kung kwalipikado ang isang tao. Nag-research siya sa internet tungkol sa BBL at dun na niya nabasa na ito pala ay isang scam.

Kinuha niya ang form na sinulatan dahil baka kung saan pa magamit ang mga impormasyong inilagay niya run. Muntik na raw siyang sumali kung hindi lang niya nabasa ang mga artikulo at interview sa internet.

Sa Pangasinan naman ay may ganitong nagpapa-fill-up ng form ayon. Tulad nang nauna ay yaman daw ito ng mga Marcos na ipapamahagi sa mga mahihirap.

Kapag nabuo ang 300 miyembro ay saka nila malalaman kung aprubado ito.

Kapag naaprubahan ay makakatanggap daw sila ng sampung libong piso bawat buwan.

Marami na raw sa kanyang mga ka-baranggay ang umaasa dito at naging miyembro ng BBL.

May tumawag din sa amin na sabi raw sa kanila ng mga opisyales ng BBL na hindi totoo ang mga lumalabas sa internet na sila ay scam.

Hiling ng mga tumatawag ay nagte-text ay matigil na ang modus na ito dahil lalo itong nagpapahirap sa tulad nilang mahihirap.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bigyan din ng pansin ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ito dahil kadalasan ang nalilinlang dito ay wala pang masyadong pera at nagsasanla ng kani-kanilang mga ari-arian tapos bandang huli bula lang pala.

Maganda ring pigilan na ni Gen. Bato ang kanyang banta na babarilin niya si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre tumitindi na ang alitan na nagsimula lamang sa maliit na bagay.

Papunta na ng Amerika si Gen. Bato na isasama ni Presidente Rodrigo Duterte subalit ayaw siyang pahiramin ni Aguirre ng wig baka pagsoli daw maluwag na kaya humiram na lang siya kay Vice Ganda.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

MODUS SA GINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with