^

PSN Opinyon

‘Tax structure ng Singapore’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAVAO CITY – Nagkaroon ako ng pagkakataon na ekslusibong makapanayam si House Speaker Pantaleon­ Alvarez noong Sabado.

Agresibo ang administrasyon at mga economic manager. Kailangang mangyari ang “golden years of infrastructure” sa termino ng Presidente. Masyado nang napag-iiwanan ang Pilipinas sa Asya.  

Ang malaking tanong, papaano mababayaran ng Pilipinas ang P8 trilyong pondong utang at soft loan na nakalaan sa imprastruktura?  

Kailangang maisaayos ang sistema ng pamama­lakad ng pangongolekta ng buwis. Nakasalalay ito sa dalawang revenue generating bureaus, ang Internal Revenue at Customs.  

Gross Sales Tax ang gustong ipatupad ni Alvarez o ang tax system na ipinatutupad sa Singapore. Gusto niyang ibasura na ang kasalukuyang Value Added Tax (VAT).

Sa GST, makikita na agad ng gobyerno kung magkano ang ibabayad na buwis ng isang establisemento.

Ginagamit at inaabuso raw kasi ng mga mandarayang negosyante, malalaking establisemento at mayayaman ang VAT. Kung ano ang sistemang ginagamit ng BIR, yun din ang kanilang ginagamit para makapagnakaw.  

Habang ang malaking porsyento ng working class kawawa. Kung sino pa ang maliit ang kinikita, sila ang nagbabayad ng tapat.

Problema naman sa Customs, hindi ipinatutupad ang inward foreign manifest na tutuldok sa smuggling activities. Wala na ngang bigayan sa ahensya, pero namamayagpag naman ang dayaan.

Ayaw ng mga kawatan sa Customs ng computerization.Gusto nila mano-mano. Hindi namomonitor ng BIR at mga economic manager ang kanilang operasyon.

Kaya kapag dumating ang mga kargamento isusulat nila kung magkano ang mga babayarang buwis. Paglipas ng isa, dalawang araw tinatanggal din nila agad. Lumalabas, na-cancel ang transaksyon.    

Puro plano at salita pa lang ang mga sinasabing ito ni Speaker Alvarez. Resulta ang gustong makita ng tao.  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

TAX STRUCTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with