^

Metro

Libu-libong pasahero na-stranded: LRT, MRT nagkaaberya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang na-stranded matapos maparalisa ng halos mahigit kalahating oras ang operasyon nito dahil sa lumipad na tarpaulin na bumara sa daraanan nito, kahapon ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng LRT 2 na si Atty. Hernando Ca­b­rera, alas-10:19 ng umaga­, pi­natay muna ang power ng buong system ng LRT2.

Ito ay dahil nga sa may naka­barang tarpaulin sa daraanan ng train  sa may V. Mapa  hanggang Pureza sa Maynila, dahilan upang suspendihin ang buong operasyon nito.

Kinailangang pababain ang mga pasahero mula sa train at pinalabas muna sila ng istasyon

Alas-10:30 ng umaga ay ibinalik ang biyahe, mula lamang­ sa Cubao hanggang Santolan, Pasig City.

Alas-11:10 ng umaga ti­nang­gal ng Engineering Department ng LRT2 ang naka­barang tarpaulin sa kable na daraanan ng train  at pagsapit ng alas-11:15 ng tanghali ay bumalik na buong operasyon ng LRT.

Ayon kay Cabrera, posible aniyang galing sa baba ang tarpaulin na nagmula sa mga illegal sidewalk vendor na pawang nagtitinda sa footbridge na ma­lapit sa naturang lugar.

Dahil sa lakas ng hangin lumi­pad ito sa kable ng LRT 2 na siyang dinadaanan ng mga train.

Samantala,  tumirik naman­ ng dalawang beses ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga na iki­na­dismaya at ikinagalit ng libu-libong pasahero na naapektuhan ng aberya.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na dakong alas-5:15 ng umaga noong mag­­­­ka­roon ng technical problem ang isang tren nila sa North Avenue Station.

Agad na pinababa ang mga pasaherong patungo ng southbound habang hinatak pa­balik ng depo ang tumirik na bagon.

Dakong alas-8:04 naman noong magka-aberya ulit ang isa pang tren ng MRT-3 sa GMA-Kamuning station habang­ ito ay pa-southbound.

Pinababa rin ang mga sakay ng nagka-aberyang bagon sa kabila ng kanilang pagma­ma­dali para makarating sa kanilang destinasyon. Makalipas ang 30-minuto ay muling nagbalik sa normal ang ope­rasyon ng MRT-3. Lordeth B. Bonilla at Mer Layson

vuukle comment

MRT

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with