^

Metro

2 holdaper ng call center agent, utas sa engkuwentro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang holdaper makaraan umanong makipagbakbakan sa mga rumispondeng operatiba ng Quezon City Police ilang minuto matapos nilang holdapin ang isang call center agent sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Pawang walang nakuhang pagkakakilanlan sa mga nasawi na kapwa mga burdado ng tattoo ang katawan, at nasa pagitan ng mga edad na 35-40.

Base sa pagsisiyasat, ang mga nasawi ay naka-ingkwentro ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSAU) ng QCPD na pinamunuan ni P/Insp. Danilo Songalia na tumugon sa tawag ng tulong ng biktimang si Vinnie Paul Santos, 20,  binata, ng Project 6, kaugnay sa panghoholdap sa kanya ng mga suspect.

Nangyari ang engkwentro sa may Masagana St., kanto ng Pluto­ St., Road 20 Extension, Brgy. Bahay Toro, dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Bago ito, naglalakad umano ang biktimang si Santos, 20, patungo sa kanyang trabaho sa kahabaan ng Pluto St., Road 20 Extension, nang biglang tutukan ng baril saka holdapin ng mga suspek. Makaraang makuha ang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit at pera ay agad na sumibat ang mga suspect patu­ngong Mindanao Avenue.

Sa puntong ito, nagsisigaw ng tulong ang biktima na nakakuha naman ng atensyon mula sa tropa ng DSOU na tiyempong nagpapatrulya sa kahabaan ng Mindanao Avenue at rumisponde.

Habang ginagalugad ng mga operatiba kasama ang biktima sakay ng mobile car ang Pluto St., nakita ng huli ang mga lalaking nangholdap sa kanya. Agad na nilapitan ng mga operatiba ang mga suspek at pinakiusapang sumuko subalit sa halip na sumunod ay pinaputukan umano ng mga ito ang mga una na nauwi sa bakbakan at ikinasawi ng mga huli.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with