^

Probinsiya

Body camera ikakabit sa mga traffic enforcer

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kakabitan na ng mga body camera ang mga traffic enforcer  para maiwasan ang mga kotongan na nagaganap sa paninita sa mga motorista.

Partikular na gagamit ng body camera ang mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang sila ay naka-duty.

Sa ipinalabas na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Maynila, makakatulong umano ang mga body came­ra para mabawasan ang katiwalian sa mga MTPB enforcers tulad ng pangingikil at iba pang under-the-table na usapan kapag sila ay nang­huhuli ng mga motorista.

Ipinaliwanag naman ni MTPB Chief Dennis Alcoreza na sa pamamagitan ng pag-record ng mga nagaganap na engkwentro sa pagitan ng enforcer at motorist ay makakakuha sila ng ebidensya sa aktwal na pangyayari sa halip ang magkaibang salaysay ng magkabilang panig.

Diin pa ni Alcoreza na makatutulong ang paglalagay ng mga body camera para maprotektahan ang traffic enforcers mula sa mga tiwaling motorista.

Aabot naman sa halagang P8,500 hanggang P12,000 ang bawat isang body camera.

Noong nakaraang Nob­yembre 28 ay tinanggal ni Manila Mayor Joseph Estrada ang 690 MTPB enforcers matapos makatanggap ng mga reklamo laban sa kanila.

Kasalukuyang nagsasanay ang 92 enforcers sa ilalim ng Manila Police District (MPD) na papalit sa mga nabakanteng posisyon sa MTPB.

 

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with