^

PSN Showbiz

MP7 mas quality film pa raw talaga sa Kabisera!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lumalabas na ang reviews tungkol sa mga pelikula na kasali sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) at sa mga pelikula na hindi pinili ng Selection Committee ng MMFF.

Nagkakaisa ang marami na mas pulido ang kuwento at pagkakagawa sa Mano Po 2: Chinoy kung ikukumpara sa Kabisera. Nagtataka ang moviegoers dahil naitsapwera ang Mano Po 2 dahil pinaboran ng Selection Committee ang Kabisera.

Ang taumbayan na nagbayad sa takilya ang nagtatanong, hindi na ang mga tao sa local movie industry na malaki ang malasakit sa future ng pelikulang Pilipino.

Parehong pinanood ng mga curious ang Mano Po 2 at ang Kabisera kaya nakita nila ang malaking pagkakaiba ng mga pelikula na diumano’y Number 9 at Number 8, respectively sa listahan ng Selection Committee.

Hindi na kailangan ng produ ng Mano Po 2 na magsalita o mag-react dahil sapat na ang obserbasyon ng publiko na walang kinikilingan at makapanood lang ng pelikula na matino ang bisyo.

Boobay mabilis naka-recover dahil sa BF

Ready na raw si Boobay na magtrabaho, matapos magkaroon ng stroke noong last quarter ng 2016.

Ang sabi ng close friends ni Boobay, mabilis ang recovery ng komedyante dahil magaling mag-alaga ang kanyang boyfriend na physical therapist.

Maayos na raw ang pagsasalita ni Boobay at matalas na uli ang memorya nito.

I’m sure, magiging maingat na si Boobay sa kalusugan nito dahil sa nangyari sa kanya.

Bawal na kay Boobay ang magpuyat at maglagare sa mga raket. Masipag kasi si Boobay kaya tanggap siya nang tanggap ng mga trabaho.

Masuwerte rin si Boobay dahil nakatutok sa kanya ang boyfriend na sobrang mahal na mahal siya at kasama niya sa hirap at ginhawa.

Alden birthday wish na panoorin ang serye nila ni Maine

Ang tangkilikin ng televiewers ang Destined to be Yours ang isa sa mga birthday wish ni Alden Richards nang mag-celebrate ito kahapon ng 25th birthday.

Ang Destined to be Yours ang upcoming primetime teleserye nina Alden at Maine Mendoza sa GMA-7.

First time na magtatambal ang dalawa sa isang primetime teleserye kaya excited si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng show nila ni Maine.

Ipinapakita na ang teaser ng Destined to be Yours pero hindi pa sinasabi ng Kapuso Network kung kailan ang telecast ng pinakahihintay na teleserye ng AlDub loveteam.

Relasyon ni Pia kay Marlon lantaran na

Ang mga vacation picture sa Hawaii nina Miss Universe Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang mga ebidensya na “in a relationship” na sila.

Obvious na in love na in love sina Pia at Marlon sa isa’t isa.

Parehong single ang dalawa at nasa legal age na kaya walang masama kung aminin na nila sa publiko ang kanilang love affair.

Technically, natapos na noong December 20, 2016 ang reign ni Pia bilang Miss Universe 2015 kaya wala nang dahilan para ilihim niya sa publiko ang kanyang lovelife.

Hinihintay na lang ang pormal na pagsasalin niya ng Miss Universe crown sa January 30, 2017 sa deserving winner.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with