^

Police Metro

Labor inspectors tuluyang sisibakin-DOLE

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Labor inspectors tuluyang sisibakin-DOLE
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III at maaari ring maharap sa kasong administratibo ang mga kawani ng DOLE kung mapatutunayang tumanggap ng anumang klase ng suhol mula sa mga employer.
File photo

MANILA, Philippines – Tuloy ang pagsibak sa puwesto ng mga labor inspectors na nagbibingi-bingihan at bulag sa mga paglabag ng mga employer.

Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III at maaari ring maharap sa kasong administratibo ang mga kawani ng DOLE kung mapatutunayang tumanggap ng anumang klase ng suhol mula sa mga employer.

Sinabi ni Bello na may mga report? silang natatanggap tungkol sa mga bulag at bingi na mga labor inspector na hindi nakikita ang paglabag ng ibang kompanya at employers.

Isang halimbawa rito ang estado ng mga salesladies na pinagbabawalang magkaroon ng sandaling pahinga sa kanilang mga duty.

Nanindigan rin ang Kalihim na patuloy na ipaglalaban ng Labor Department ang pantay na karapatan at proteksyon ng mga manggagawa. Hinikayat din niya ang publiko na mag-report sa Hotline 1349 ukol sa mga tiwaling inspektor.

Sinabi pa niya na pinagtutuunan ng pansin ng DOLE ang mga pang-abuso ng ibang ospital sa bansa, kasama na ang reklamo na ang on-the-job trainees ay gumagawa ng mga regular na trabaho at pinapapasok nang higit sa oras nang walang bayad.

Dagdag pa ni Bello na may mga ulat tungkol sa paniningil ng mga pribadong ospital sa mga nurse na nais sumailalim sa training at magkaroon ng experience.

“Ito ay malinaw na paglabag sa labor standards. May mga nurse na nais magsanay sa mga ospital ngunit sila pa ang nagbabayad sa mga ospital para sa training. Anong klaseng patakaran yan? Panahon na upang suriing mabuti ang mga ospital ng mga labor inspectors,” galit na sinabi ni Bello.

vuukle comment

LABOR SECRETARY SILVESTRE H. BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with