^

Pang Movies

Kabisote ni Vic paabutin hanggang Pasko?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kabisote ni Vic paabutin hanggang Pasko?!
Vic

As early as 8:00 a.m. today, bukas na ang mga SM at Walter Mart Cinemas na pagtatanghalan ng Enteng Kabisote 10 And The Abangers sa more than 200 cinemas nationwide. May theater tour din today si Bossing Vic Sotto at iba pang cast ng movie na dinirek nina Tony S. Reyes at Marlon Rivera.  Maraming nagri-request na isama ni Bossing ang wife na si Pauleen Luna na may special participation sa movie tulad nina Joey de Leon, Alden Richards at Maine Mendoza. 

Ayon pa rin kay Bossing Vic, mapapanood sila mula November 30 hanggang December 24.

Serye nina Alden at Maine walang urungan

Ngayong Wednesday na ang alis ni Alden Richards for Singapore para mag-host sa 21st Asian TV Awards sa Friday, December 2 na gaganapin sa Suntec Singapore International Convention and Exhibition Centre. Magiging co-hosts ni Alden sina Adrian Pang, Sephanie Carrington at Baki Zainal.

May makuha kayang awards ang GMA Network na may three nominations?

Si Michael V ay tatlong beses sunud-sunod na nanalo ng Best Comedy Performance by An Actor noong 2004, 2005, 2006.

Bago umalis si Alden, natapos na nila ni Maine Mendoza ang plug shoot para sa kanilang first teleserye sa GMA 7 na ipalalabas sa 2017.  Nagtataka lamang kami na ngayong sure nang gagawa ng teleserye sina Alden at Maine, kung anu-ano na namang bashings ang inaabot ng dalawa na pawang mali naman ang lumalabas na balita. Ayaw ba nilang maging masaya ang AlDub Nation at sina Alden at Maine rin?

Jennylyn at Dennis kanya-kanya pagkatapos ng bakasyon

Kung may teaser nang lumalabas ang bagong teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, mapapanood na rin very soon ang teaser ng bagong teleseryeng gagawin ni Jennylyn Mendoza sa GMA 7 pagkatapos ng kanyang talent show na Superstar Duets, ang My Love From The Stars. (MLFTS). Mayroon nang nakapasa sa audition para maging leading man ni Jennylyn sa Pinoy adaptation ng Korean telenovela.  Si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng MLFTS.

Kababalik lamang ni Jennylyn at ng boyfriend na si Dennis Trillo mula sa European vacation nila.  At si Dennis din ay magsisimula nang maghanda para sa bago niyang project sa GMA 7, ang telefantasiyang Mulawin. 

Paolo ayaw ipapanood sa anak ang Die Beautiful

Medyo naging emotional si Paolo Ballesteros kahapon sa sugod-bahay nang batiin siya ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga. May special person daw na babati sa kanya, hindi niya in-expect na may video ng birthday greetings ang anak niyang si Keira na kasabay din niyang nag-birthday. Keira turns eight years old kahapon.  Ang wish ni Paolo muli niyang makasama ang anak sa Christmas tulad last year. Pero never daw niyang ipapapanood sa anak ang kanyang Die Beautiful na entry sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA.

DIE BEAUTIFUL

ENTENG KABISOTE 10

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with