^

Pang Movies

Luis sinagot ang tricycle at pang-spaghetti ng natalong contestant

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Luis sinagot ang tricycle at pang-spaghetti ng natalong contestant
Luis

Ang ganda naman ng gesture na ginawa ni Luis Manzano sa contestant na isang tricycle driver sa programang hinu-host niya, daily weekdays, ang Minute  To Win It Last Man Standing noong Lunes.

Kuwento ng driver, dati raw ay namamasada siya ng tricycle na hindi siya ang may-ari kaya kinakailangan niyang magbayad ng boundary pagkatapos niyang pumasada. Isang beses daw dahil nagipit siya, hindi niya nabayaran ang kaukulang boundary. Kaya natural, na hindi na sa kanya ipinagamit ng may-ari ang tricycle.

Kaya, for a while raw, nagtiyaga siyang buhayin ang kanyang asawa at tatlong anak na pawang nag-aaral sa kita niya sa pagsasama-sama sa isang kaibigang tsuper ng jeep.

No wonder, na nang tanungin siya ni Luis kung ano ang plano niya sakaling manalo ng P-1M sa show, ang maliksing sagot niya ay ang makabili ng tricycle (na nagkakahalaga raw ng P120,000), at ang makapaghanda ng spaghetti sa birthday ng kanyang anak.

Well, the guy made it as the last man standing pero hindi niya naabot ang P1-M premyo dahil natalo siya sa huling challenge. He won instead the amount of P70 thou lang.

At dito na nga nakita ang pagiging generous ni Luis. Sinagot niya ang halagang pambili ng tricycle ng contestant. Pati na ang ihahandang spaghetti sa nalalapit na kaarawan ng anak nito.

May your tribe increase, Luis.

Awra malungkot na ‘di makakaparada

Nag-guest ang child actors na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela sa programa ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda noong Lunes.

At impressed si Boy sa dalawa dahil sa magaganda at matalinong sagot nila sa kanyang mga tanong.

Utang na loob daw niya sa kanyang Kuya Cardo (Coco Martin), ayon kay Onyok, kung bakit sikat na siya ngayon.

Wala na raw siyang Christmas gift na hihilingin pa kay Coco, since on his sixth birthday, he gave him three sets of his favorite toys.

In the case of Awra, grateful daw siya sa kanyang Kuya Coco, dahil ito nga ang nakapanood sa kanya sa YouTube at nagbigay ng pagkakataon makasama sa cast ng top series na FPJ: Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco.

Kapwa inamin ng dalawa na nalungkot sila nang mabalitaan na hindi kasama sa MMFF official entries ang pelikula nilang The Super Parental Guardians, kung saan kasama nga nila sina Vice  at Coco.

Excited nga raw, lalo na si Awra na makasakay sa float sa Parade of Stars. In the case of Onyok, naranasan na raw niya ito last year dahil sumama siya kina Coco at Vice sa float, representing their MMFF 2015 entry, Beauty and the Bestie.

Ang Beauty and The Beastie ay ang last year’s top grosser dahil kumita ito ng mahigit na P500-M.

Showing today in theaters nationwide ang The Super Parental Guardians, produksiyon ng Star Cinema and directed by Bb. Joyce Bernal.

Cherie ngayon lang Pasko naramdaman ang pagkawala ni Mark

Habang nalalapit ang Pasko, lalong matinding lungkot daw ang nararamdaman ni Cherie Gil for her late actor-brother Mark Gil na namatay noong September 2015.

Kung noong unang Paskong wala na ito, nakumbinsi niya ang sariling nasa location lang ito para sa ginagawang series na The Legal Wife, ngayon daw ay feel na feel niyang hindi na ito babalik.

Ngayong Pasko, hindi rito sa Pilipinas niya ipagdiriwang ang nabanggit na okasyon. Dadalawin niya ang dalawang anak, who live with their international violinist father, Ronni Rogoff sa abroad.

Ganunpaman, alam ni Cherie na kailangang bumalik siya kaagad ng Pilipinas dahil kabilang siya sa cast ng GMA 7 series na Alyas Robinhood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Ang huling proyekto ni Cherie sa Kapamilya ay Dolce Amore starring Liza Soberano and Enrique Gil.

vuukle comment

COCO MARTIN

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with