^

Pang Movies

Baron binigyan ng bagong problema ang may sakit na ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Baron binigyan ng bagong problema ang may sakit na ina
Baron

Hindi na affected ang journalist-turned-movie director na si Arlyn dela Cruz sa mga emote at pralala ni Baron Geisler laban sa kanila ni Ping Medina.

Ang tsugihin si Baron sa cast ng indie movie na Bubog ang final decision ni Arlyn na may naisip nang remedyo para hindi masira ang kuwento ng pelikula dahil sa pagkawala ng pasaway na aktor.

Sunud-sunod ang mga gulo at eskandalo ni Baron kaya kontrabidang-kontrabida siya sa mata ng madlang-bayan.

May mga panawagan sa mga kinauukulan na huwag nang bigyan ng trabaho si Baron dahil pasimuno siya ng gulo. Hindi naman afraid si Baron na mabura sa showbiz dahil may ibang buhay raw siya, bukod sa pag-aartista.

May sakit ang nanay ni Baron kaya marami ang naaawa sa kanyang madir na binibigyan niya ng problema.

Masakit para sa isang ina na masangkot sa gulo ang kanyang anak at hindi mangyayari ito kung nagiging maingat si Baron na in denial dahil hindi raw siya naglalasing sa set ng Bubog pero iba ang sinasabi ng kanyang mga co-star at ng production staff.

Magaling na character actor si Baron pero kung hindi ito magbabago,  iiwasan na talaga siya na makatrabaho ng ibang mga artista. Mas marami ang mga character actor na mahusay umarte, hindi takaw-gulo at ito ang advantage nila kay Baron na kailangan na talaga ng professional help na makakatulong sa kanyang anger management.

Hindi na galit si Arlyn kay Baron pero nabanggit niya na may binastos din na mamamahayag na babae ang aktor.

Ang sey ni Arlyn, madali sa kanya ang magpatawad, sincere man o hindi ang apology.

“Am I still mad? No, I am sad. He knew how I treated him. He knew I wanted to help him. But sad still? No.

“I always move on and I always forgive, whether the apology is sincere or not.

“However there’s a clear decision on my part – I am done with this person.

“May you find your peace and may you be the kind of son that you have always wanted to be. You know that you found a friend. You lost one.

“At the end of the day, our lives do not revolve on Baron. We have a life – blessed many times, I forgive and I move on. May shooting pa kami this weekend, BUBOG is an important film for me. I will finish it on schedule.

“Doon sa binastos mong kapwa ko mamamahayag, Ikaw na mag-apologize. Hindi siya stupid, nagtanong lang sa iyo....she just asked the questions based on the requirement of the segment producer.

“It was supposed to be your other break...you knew you blew it, just like this one. May you find your healing,” ang message ni Arlyn para kay Ba­ron na siguradong nakarating sa pasaway na aktor.

Baron tiyak na malalagot kay Pen

Hinihintay ng mga sumusubaybay sa away nina Baron at Ping ang reaksyon ni Pen Medina.

Si Pen ang fadir ni Ping at bilang magulang, tiyak na may reaksyon siya sa pambababoy na ginawa ni Baron sa kanyang anak. May dapat ikabahala si Baron dahil matapang si Pen, lalo na kung alam nito na nasa katwiran siya.

vuukle comment

ARLYN DELA CRUZ

BARON GEISLER

PING MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with