^

PSN Showbiz

Isinako nu’ng bata pa, sikat na singer takot sa tao!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Magaling siya kung sa magaling. Masarap siyang panoorin sa entablado dahil parang wala siyang kapaguran. Guwapo rin siya, may malakas na appeal sa mga kababaihan at sangkabekihan, pero matindi ang kanyang kasupladuhan.

Natiyempuhan ng isang grupo ng mga estudyante ang male singer sa isang sosyal na mall. Natural, maraming nagtitinginan sa kanya, kilalang-kilala na kasi siya kahit saan.

Tiyempo na ‘yun, sabi ng mga kolehiyala, hindi na nila palalampasin ang pagkakataon dahil hindi naman madalas mag-concert ang male singer.

May isang estudyanteng lumapit sa kanya, nagpapa­sintabi kung puwede itong makipag-selfie sa kanya, tiningnan lang niya ang kolehiyala. Wala siyang sinabi, as in wala, basta tiningnan lang niya ang babae.

Lumapit sa kanya ang mga kasamahan ng estudyante, ganu’n din ang sinabi ng mga ito, baka naman puwede siyang makasama sa picture ng grupo.

“Nagkamot siya ng ulo, halatadong inis na inis! Tinalikuran niya ang mga kolehiyala, iniwanan niya ang mga binibili niya, mabilis siyang lumabas sa shop na parang nakakita ng multo!” kuwento ng aming source.

Hindi na ‘yun bago, ‘di nga ba’t inisnab din ng male singer ang isang pamosong aktres na lumapit sa kanya at nagpakilala pa nga, pero tiningnan lang niya na parang wala siyang pakialam?

At mismong mga kagrupo niya nu’n ang nagkukuwento na sa backstage ay hindi niya naman kinakausap ang kanyang mga kabanda, sa entablado na lang sila nagkakaroon ng komunikasyon, na para bang super-close siya sa mga musikero?

Pagtatapos ng a­ming source, “Ano ba ang dahilan at parang takot na takot sa tao ang male singer na ‘yun? Malungkot ba ang kanyang childhood? Itinali ba siya sa langgaman ng tatay niya at isinako nu’ng bata pa siya?

“Kasupla-suplado niya, para bang forever ang popularity na meron siya ngayon, ibitin n’yo nga sa puno ng kawayan ang malditong ‘yan!”

Ubos!

Hindi bastusin Nadine mala-Alice ang sex appeal

Malayo ang bituka ng aming mga anak sa showbiz. Kapag may gustong mag-interbyu sa kanila kapag dumarating ang aming kaarawan ay kani-kanyang takas na sila.

Nasa lokal na aliwan man kami ay may kani-kanyang mundo sila. Ang isang anak namin ay may sariling negosyo, doktor naman ang isa, pero meron silang hinahangaang mga artista.

Ang unang-una sa kanilang listahan ay si Alice Dixson. Nu’ng maging cover ng isang men’s magazine si Alice ay hindi sila naghihiraman, may kani-kanyang kopya ang a­ming mga anak, gandang-ganda sila sa nagkakaedad nang aktres.

Ngayon ay tumututok naman sila sa seryeng Till I Met You, hindi kumpleto ang kanilang maghapon kapag hindi nila napapanood si Nadine Lustre, ang lakas-lakas ng appeal sa kanila ng girlfriend ni James Reid.

Isang gabi, sa aming pagkukuwentuhan, ay tinanong namin sila kung bakit gustung-gusto nila si Nadine. Napakasimple ng kanilang sagot, nang-iimbita raw ng mga kalalakihan ang appeal ng young actress, bukod pa sa simple ang kanyang ganda.                     

At siyempre, dahil mga lalaki ang aming tinatanong ay hindi mawawala sa kanilang papuri ang kaseksihan ni Nadine Lustre. ‘Yun daw ang seksing hindi bastusin, hindi sisipulan ng mga lasenggo sa kalye, basta titingnan lang siya habang dumadaan.

Natuwa kaming sulatin ito dahil sa dinami-dami na ng mga artistang nakita na nila ay si Nadine Lustre lang ang talagang nagmamarka sa aming mga anak. Wala silang pakialam sa kahit sinong personalidad na nagpapa-sexy d’yan, basta si Nadine Lustre lang ang kanilang gusto, wala nang iba.

At walang hilig sa showbiz ang mga anak namin, sinusuportahan nila kami sa aming mga programa, pero sina Alice Dixson at Nadine Lustre lang ang gusto nila.

Ang nagagawa nga naman ng malakas na appeal. Ang kaibahan nga naman ng simpleng kagandahan pero rock!

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with