^

PSN Opinyon

Sino ang kakampi, Sino ang kalaban?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO ang lalung nagpapahirap sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga. Pati mismong mga pulis ay kasabwat bilang protector ng mga drug lords kaya ang sabi nung mga matutuwid na alagad ng batas, sila mismo ay hindi malaman kung sino ang kalaban o kakampi sa kanilang ranggo.

Nang umiyak si PNP Chief Director-General Ronald “Bato” dela Rosa sa harap ng Senado kamakailan matapos maipagdiinan ng sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa ang pagkakasangkot ng kanyang mga sariling tauhan bilang mga drug protectors, naging emosyonal siya at di napigilan ang umiyak.

Natitiyak ko na kagaya ni Pangulong Duterte, sinsero ang kanyang hangaring masugpo ang problema sa droga.

May mga ibang nagkomento sa social media na umaarte si Bato. Pero sa tingin ko ay tunay na luha ang umagos sa mata ng PNP Chief. Sabi niya, talagang aminado siya na mahirap tukuyin kung sino ang kalaban at sino ang kakampi sa hanay ng mga alagad ng batas. Sa tingin ko nga, kung ang sahod mo bilang pulis ay kakarampot, tapos may mag-aalok sa iyo ng milyones na payola, kahit masama pa ang gawain ng nag-aalok ay malamang kagatin ito. Kapit sa patalim. Ang problema ay, ngayong nasanay sila sa milyones na payola, maibibigay ba ng gobyerno ang sahod na malapit-lapit sa illegal na perang kanilang tinatanggap? Malamang ay hindi. Kailangan talaga ngayon ay buhayin ang takot sa Dios sa mga taong lumaki sa katiwalian.

Pero ibig ko pa ring maniwala na mas nakararami ang matitinong pulis kaysa mga bugok. Gayunman, talagang talamak na ang kasamaan sa mundo. Dumarami ang lahi ng mga taong hayok na mas nagpapahalaga sa salapi kaysa karangalan.

Maging ang Salita ng Dios ay may babala laban sa mga “asong gubat na nagbabalatkayong tupa” o kaya, ang “diyablo na nagpapanggap na anghel ng liwanag”. Mas mabuti pa nga kung walang pagbabalatkayo ang taong nakikita mo pagkasama-sama man.  Ngunit kung ang kalaban mo ay nagpapanggap na kakampi, mahirap na laban ang susuungin mo kung ikaw ay tagapagpatupad ng batas.

 

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with