^

PSN Opinyon

Lihim na paglilibing

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGBUNYI ang pamilya Marcos at mga kapanalig nito matapos ilibing nang palihim si dating President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kaha­pon ng tanghali. Ang masakit nagsagawa naman ng pagkilos protesta ang mga militante at mga kaanak ng mga biktima ng karahasan ng martial law sa labas ng LNMB. Bantay sarado ang naturang libingan ng mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at maging ang media ay pinagbawalang pumasok para ikober ang naturang seremonya sa pag­libing kay Marcos. Nagsagawa ng pagkilos protesta sa ilang lalawigan bilang pagkondena sa paglibing kay Marcos.

Maging ang Liberal Party ay nagsagawa ng agarang press conference at tinuligsa ang paglibing kay Marcos dahil may petisyon pa silang nakasalang sa Korte Suprema. Ang sigaw ng mga kumokontra: “Ma­i-tuturing bang bayani si Marcos kung ang paglilibing dito ay isinagawang ura-urada at palihim”?

* * *

Samantala, dumating kahapon ng madaling araw ang drug lord na si Kerwin Espinosa. Bantay sarado ito ng mga pulis na naka full battle gear mula sa pag­labas nito sa Manila International Airport-Terminal 2 hanggang sa Camp Crame. Nakasuot pa ng bullet vest si Kerwin nang ilabas sa eroplano na inieskortan ng mga pulis na sumundo sa kanya sa Dubai. Siyempre hindi pahuhuli ang media sa pagbuntot kay Kerwin hanggang sa makarating ito sa Camp Crame. Ikinober nila ang buong story at upang masiguro na buhay pa ito na makakaharap ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Kasi nga naman, kung si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa na nasa loob na  mismo ng selda ay napatay nang manlaban daw sa CIDG-Region-8, si Kerwin pa kaya na umaming drug lord. Agad isinailalim si Kerwin sa booking procedure at medical check up bago idiniretso sa PNP custodial denter upang makapagpahinga.

Matapos makapagpahinga si Kerwin ay iniharap na ito ni Dela Rosa sa media. Tulad ng sinabi niya nang sumuko si Mayor Rolando Espinosa, puprotektahan daw niya si Kerwin  at personal na pangangalagaan ang buhay. Ituga naman kaya ni Kerwin ang mga nakinabang sa kanyang drug trade? Iyan ang aabangan ko!

vuukle comment

LIBINGAN NG MGA BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with