^

Dr. Love

Pumatol sa may-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Salamat po sa pagpapaunlak ninyo na malat­hala sa inyong malaganap na kolum ang aking sulat.

Umaasa ako na nasa pinakamainam kayong kalagayan habang tinutunghayan ninyo ang sulat ko.

Ako nga pala si Aida, 40-anyos at namomro­blema sa aking teenager na anak na babae. Siya ay 17-anyos lang at  may kinalolokohang lalaki na may asawa.

Pinalaki naman naming mag-asawa ang ­aming kaisa-isang anak nang maayos. Nag-aaral siya sa isang exclusive school na Katoliko.

Nung una ay ikinakaila niya pero sa huli ay umamin din siya. Okey lang sana kung binata pero may pananagutan na ito sa buhay. Hindi namin siya mapagbawalan dahil mahal daw niya ang lalaki na hiwalay naman daw sa asawa.

Nalaman namin na walang formal annulment. Ano ang gagawin ko?

Aida

Dear Aida,

Kung hindi annulled ang kasal ng boyfriend ng anak mo, may problema nga kayo. Dapat pagsabihan mo nang maayos ang inyong anak at ipaunawa na isang krimen ang pagpatol sa may asawa lal na kung ito’y pakikisamahan sa iisang bubong.

Isa pa, wala pa siya sa tamang edad kaya kayo pa ring mga magulang ang may poder sa kanya.  Kung puwede rin ninyong kausapin ang lalaki ay gawin ninyo.  Hangga’t may bisa ang kasal niya sa kanyang asawa ay hindi maaaring maging legal ang pakikipagrelasyon niya sa inyong anak.

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with