^

PSN Showbiz

Mariel grabe ang sakit na nararanasan!

FILIPINO WORLDVIEW - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Mariel grabe ang sakit na nararanasan!
Mariel Padilla

PIK: Ini-launch na rin ng Bench ang Bailona love team nina Bailey May at Ylona Garcia bilang bago nilang endorsers sa Activity Center ng Market Market kamakalawa ng hapon.

Dinagsa ng fans ang love team ng dalawang bagets at kahit ang bata pa nila, may kilig pa rin sila na iba naman siyempre kung ikukumpara sa love team ng KathNiel, JaDine at LizQuen.

“It was great, and we’re very honored,” pakli ni Ylona pagkatapos ng kanilang launch sa Bench.

Dagdag naman ni Bailey, “We’re very blessed, coz we’re the youngest love team.”

Pang teens naman daw kasi ang ni-represent nila, pero malay daw natin baka ang ending ay baka maging kagaya rin sila nina James Reid at Nadine  Lustre na naging sila rin sa tamang panahon.

“We’re really good friends and we’re enjoying it,” sabi ni Ylona.

“I’m just focused with her and enjoying work with Ylona,” pahayag naman ni Bailey.

PAK: Mas hirap pala ngayon si Gladys Reyes sa kanyang paglilihi ngayong papasok na siya sa 5th month ng kanyang pagbubuntis.

Kung ikumpara raw sa mga nakaraan niyang pag­lili­hi, mas mahirap daw itong pang-apat niya. Wala pa na­man daw siyang pinag­li­­lihiang pagkain pero ang ma­dalas daw na mapagtripan niya ay ang asawang si Christopher Roxas.

Sabi nga namin sa kanya, mas okay na kung ang asa­wa niya ang paglihian niya para maganda ang kalabasan ng baby.

Wala pang ideya si Gla­dys kung baby boy o girl ang ipinagbubuntis niya. Sa susunod na buwan pa raw ito malalaman at excited na raw silang mag-asawa.

BOOM: Hindi pa nilinaw ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account, pero ang duda namin ay hindi pa rin siya nabigyan o baka na-deny siya ng US Embassy dahil pinaghahandaan na niya ang sarili na kung sakaling manganak si Mariel Padilla nang hindi siya katabi.

Kahapon ay ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account ang video ng nagtuturo sa kanila kung paano manganak ang isang misis na normal at baka wala pang anaesthesia basta katabi lang ang asa­wang puwedeng umalalay habang nagli-labor si misis.

Nasa video si Mariel na nakahiga habang ipinapaliwanag ng expert on childbirth na si Ms. Chiqui kung ano ang nararapat gawin ni Robin kapag nagli-labor na ang kanyang asawa.

Bahagi ng mahabang caption ni Robin sa post na iyun; “Napakalalim ng epekto sa akin ng childbirth class na ito dahil sa naipaliwanag niya ang halaga ng asawang lalaki, sa oras ng labor ng asawang ba­­bae. Ang bawat detalye ay haplos at bigkas ng pagma­ma­hal at pakikiisa sa hirap na pinagdadaanan ng kabiyak batid ko sa aking isipan na ang paghingi ni @marieltpadilla ng pain reliever ay hindi para sa kanyang pinaghahandaan na sakit sa normal delive­ry kundi sa bagay na hindi niya napaghandaan ang maging wala ako sa tabi niya magawa namin lahat ang mga napag-aralang mga posisyon sa oras ng kanyang labor.”

vuukle comment

MARIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with