^

Police Metro

Pulis patay sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pang-masa
Pulis patay sa ambush
Batay sa ulat, bago nangyari ang ambush sa biktima dakong alas-11:45 ng umaga ay binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Sagitarius St., sakay ng motorsiklo na sinusundan ng isang Toyota Fortuner na walang plaka na kinalululanan ng mga suspek.
File photo

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang pulis nang ito ay tadtarin ng dalawang lalaki na sakay ng isang Toyota Fortuner sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si PO1 Ryan Gumarang, 30, residente sa no.1 Ejab Townhomes, Jem 3 Subdivision, Brgy.Tandang Sora, ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang ambush sa biktima dakong alas-11:45 ng umaga ay binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Sagitarius St., sakay ng motorsiklo na sinusundan ng isang Toyota Fortuner na walang plaka na kinalululanan ng mga suspek.

Pagtapat sa isang bodega ng sabon na matatagpuan sa Saguitarius St., Carmel 5, Brgy. Tandang Sora ay nag-overtake ang Fortuner at pinagbabaril ang biktima ng dalawang la­laking sakay kaya’t su­malpok ang motorsiklo.

Nang humandusay  ang biktima ay huminto ang Fortuner at bumaba ang dalawang lalaking sakay at nilapitan ang sugatang biktima at mu­ling tinadtad ng bala sa katawan para tiyakin na hindi na ito muli pang mabubuhay.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay agad na nagsipagsakay ang mga suspek at humarurot palayo sa lugar.

vuukle comment

PULIS PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with