^

Bansa

Japanese language at culture itinuturo ng TESDA sa nurses, caregivers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa kanilang pagtungo at pagtatrabaho sa Japan ay itinuturo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang lenguwahe at kultura ng naturang bansa sa mga nurses at caregivers na nakatakdang umalis ng Pilipinas.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan nito ay matututunan ng ating mga kababayan na magtutungo sa Japan ang kaugalian ng mga Hapones para na rin maging madali sa mga ito ang pakikisalamuha sa kanilang makakasama sa trabaho at ma­ging sa kanilang mga magiging employer.

Umabot sa 191 nurses at caregivers ang kasalukuyang dumadaan sa pagsasanay na sinimulan noong November 4 ng kasalukuyang taon kung saan ay dadaan sa anim na buwang pag-aaral ang mga nagpatala para sa Japanese language culture and training.

Dumalo sa ginanap na simpleng welcome ceremony si Ambassador of the Embassy of Japan Kasuhide Ishikawa na nagsabi pa sa mga mag-aaral na upang maging ma­tagumpay sa pagtungo sa kanilang bansa ay kinakailangang maging dalubhasa ang mga ito sa kanilang lengguwahe at kultura.

Hinikayat naman ni Mamondiong ang mga estudyante na pag-aralang mabuti ang lenguwahe at kultura ng mga Hapones nang sa gayon ay hindi mahirapan ang mga ito na makibagay sa bansang pupuntahan at pagta­trabahuhan.

Ang mga nakapagpatala sa anim na buwang pagsasanay ay ika-siyam na batch para sa mga Filipino health workers na dadaan sa National Language Skills Institute ng TESDA kung saan ay uma­bot na sa 971 ang nagtapos sa naturang pagsasanay na sinimulan noong 2011.

vuukle comment

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with