^

PSN Showbiz

Lolit Solis nandidiri sa gagawin nina Rosanna at Butch Francisco

- Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis nandidiri sa gagawin nina Rosanna at Butch Francisco
Lolit Solis

PIK: Isa palang Waray ang acoustic singer na si Kitchie Nadal at naging active volunteer siya sa Tacloban noong sinalanta sila ng Super Typhoon Yolanda tatlong taon na ang nakaraan.

Kahapon ay ginunita ng mga Taclobanons ang pagsalanta ng bagyong Yolanda, at isa sa mga naimbitahan si Kitchie na may ginawa pang kanta sa wikang Waray para sa 3rd year commemoration ng bagyong Yolanda.

Ilan pa sa nagbigay ng entertainment sa mga taga-Tacloban ay sina Christian Bautista at Gloc 9.

PAK: Napa-yuck si Manay Lolit Solis nang naikuwento namin sa kanya na matutuloy pala ang pagpapakasal sa tibo ng dating alaga niyang si Rosanna Roces.

Pero lalo siyang napa-yuck nang nalaman niyang ang co-host niya sa Startalk na si Butch Francisco ang maghahatid kay Rosanna sa seremonyang iyon. Isa pa raw sa tata­yong ninang ay si Nora Aunor na naging close kay Rosanna. “Hay naku! Kaya minamalas ang Pilipinas eh,” hirit pa ni Manay Lolit.

BOOM: As of press time, hindi pa mapagdesisyunan kung makakalabas na ng hospital si Sen. Bong Revilla. Dumaan sya sa iba’t ibang tests at kahapon lang naglabas ng medical abs­tract ang kampo ni Sen. Bong.

Bahagi ng statement na ipinadala sa medical bulletin ng dating senador; “He was seen with a blood pressure of 170/110 pain scale of 8/10, and a swollen right hand with limited range of motion. The rest of the physical and neurological examinations are unremarkable. 1. Acute Migraine Headache without Aura. 2. De Quervain’s Teno­synovitis of the right wrist. 3. Reactive hypertension 4.Esophagitis and Non-erosive Gastritis.”

vuukle comment

KITCHIE NADAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with